Tunog

(Idinirekta mula sa Matunog)

Ang tunóg ay isang naglalakbay na alon o pagaspas, na isang osilasyon o pagpapabalik-balik ng presyong pinadaraan o dumaraan sa isang solido, likido, o gas, at binubuo ng mga frequency o pagpapaulit-ulit sa loob ng nasasakupan ng pandinig at may sapat na antas ng lakas upang marinig, o ang sensasyon o pag-igting na nagpapasigla sa mga organo ng pandinig dahil sa ganitong mga pagyanig o bibrasyon.[1] Kasingkahulugan o may kaugnayan ito sa mga salitang: pagukpok, haguthot, kugkog, kaluskos, kalatis, hagutak (ang tunog ng paglalakad sa putik), hagunghong (tunog ng rumaragasang tubig), lagunlong (tunog ng tagaktak ng isang talon), ingay, dagundong, at alingayngay.[2]

Nalilikha ang tunog kapag nayayanig ang membrano o bamban ng tambol na ito, dahil sa pagpukpok o pagpalo ng mananambol.

Longitudinal at transverse waves

baguhin

Dumadaloy ang tunog sa gas, plasma at likido bilang longitudinal waves, na tinatawag rin na compression waves. Kinakailangan nito ng isang medyum upang lumaganap. Sa mga solid, ang tunog ay pwedeng dumaloy bilang parehong longitudinal at transverse waves. Ang mga longitude waves ay epekto ng salitang pwersa galing sa punto ng balanse, na nagdudulot ng mga rehiyon ng compression at rarefaction, habang ang transverse waves (sa mga solid), ay mga wave ng salitang stress sa 90° anggulo sa direksyon ng paglalaganap. Pwedeng makita ang mga sound waves bilang parabolic mirrors o mga bagay na gumagawa ng tunog.

Pabalik balik ang pwersang dala ng sound wave patungo sa potential energy ng extra compression (sa lagay ng longitudinal waves) o later displacement strain (sa lagay ng transverse waves) ng materyal, pabalik sa kinetic energy ng displacement velocity ng bumubuo sa medyum.

ito ay salin mula sa Ingles na pahina sa wikipedia na Longitudinal and transverse waves

Mga katangian ng sound waves

baguhin

PInapaliwanag ang mga sound waves sa paglalarawan ng mga sinusoidal plane waves, na nilalarawan ng mga ito: dalas, haba ng wave (wavelength), bilang ng wave (wave number), lakas o lawak (amplitude), bigat ng tunog (sound pressure), pwersa ng tunog (sound intensity), bilis ng tunog, direksyon. Ang naaaninaw na tunnog ng isang tao ay may frequency na 20 Hz hanggang 20,000 Hz.

ito ay salin mula sa Ingels na pahina sa wikipedia na http://en.wikipedia.org/wiki/Sound#Longitudinal_and_transverse_waves

Tingnan din

baguhin


Mga sanggunian

baguhin
  1. The American Heritage Dictionary of the English Language, Fourth Edition. Houghton Mifflin Company. 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-25. Nakuha noong 2009-08-17.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Sound - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

http://en.wikipedia.org/wiki/Sound#Longitudinal_and_transverse_waves


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.