Si Max Theodor Felix von Laue (9 Oktubre 1879 – 24 Abril 1960) ay isang pisikong Aleman na nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1914 para sa kanyang pagkakatuklas ng dipraksiyon ng mga x-ray ng mga kristal. Siya ay nag-ambag sa optika, kristalograpiya, quantum theory, superkonduktibidad at teoriya ng relatibidad. Siya ay may isang bilang ng mga posisyong administratibo na nagsulong at gumabay sa pag-unlad at pagsasaliksik ng agham sa Alemanya sa apat na dekada. Siya ay malakas na sumalungat sa Nazi at instrumental sa muling pagtatatag at pangangasiwa ng agham ng Alemanya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Max von Laue
Laue in 1929
Kapanganakan
Max Theodor Felix von Laue

9 Oktubre 1879(1879-10-09)
Kamatayan24 Abril 1960(1960-04-24) (edad 80)
NasyonalidadAleman
NagtaposPamantasan ng Strasbourg
Pamantasan ng Göttingen
Pamantasan ng Munich
Pamantasan ng Berlin
Kilala saDipraksiyon ng mga X-ray
ParangalGantimpalang Nobel para sa Pisika (1914)
Karera sa agham
LaranganPisika
InstitusyonPamantasan ng Zürich
Pamantasan ng Frankfurt
Pamantasan ng Berlin
Institutong Max Planck
Doctoral advisorMax Planck
Doctoral studentLeó Szilárd
Friedrich Beck
Max Kohler
Erna Weber
Bantog na estudyanteFritz London

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.