Mbandaka
Ang Mbandaka (binibigkas bilang [mbaˈnda.ka] at dating kilala bilang Coquilhatville sa Pranses o Coquilhatstad sa Flemish/Olandes) ay isang lungsod sa Ilog Congo sa Demokratikong Republika ng Congo na malapit sa tagpuan ng mga Ilog Congo at Ruki. Ito ay kabisera ng lalawigan ng Équateur.
Mbandaka Coquilhatville | |
---|---|
Ville de Mbandaka | |
Sentrong pangkomersiyo ng Mbandaka | |
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo | |
Mga koordinado: 0°02′52″N 18°15′21″E / 0.04778°N 18.25583°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Équateur |
Itinatag | 1883 |
Lawak | |
• Kabuuan | 460 km2 (180 milya kuwadrado) |
Taas | 370 m (1,210 tal) |
Populasyon (2012)[1] | |
• Kabuuan | 345,663 |
• Kapal | 750/km2 (1,900/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Matatagpuan sa lungsod ang punong himpilan ng Fourth Naval Region ng Hukbong Dagat ng Demokratikong Republika ng Congo. Tahanan din ng Paliparan ng Mbandaka ang lungsod.
Kasaysayan
baguhinItinatag ni Henry Morton Stanley ang Mbandaka noong 1883 na may pangalang "Équateurville." Ang gusaling pambayan ay nasa 4 na kilometro (2.5 milya) hilaga ng ekwador. Isa ang lungsod sa mga mahalagang lungsod sa mundo na pinakamalapit sa ekwador. Inilagay niya ang malaking "Bato ng Ekwador" malapit sa pampang ng ilog sa timog ng lungsod upang itanda ang punto kung saan siyang naniwala na tumatawid ang ekwador sa ilog. Nariyan pa ang bato hanggang ngayon. Dahil sa simbolikong kinaroroonan nito malapit sa ekwador at sa Ilog Congo, may mga naunang panukala para ilipat ang kabisera ng Malayang Estado ng Congo sa Mbandaka, ngunit hindi natupad ang mga ito. Kabilang sa mga panukalang ito ang isang imprastraktura para sa tinatayang populasyon na 100,000 katao, isang estasyon ng daambakal, isang Katolikong katedral, isang pamahayan ng gobernador, at isang palasyo para sa mga pagbisita ni Leopold II ng Belgium sa hinaharap.[2]
Noong 1886, sa simula ng pamumunong kolonyal, pinalit ng mga Belhikano ang pangalan ng lungsod sa "Coquilhatville" na mula kay Camille-Aimé Coquilhat.
Noong 1938, sinimulan ang pagtatayo ng isang tulay sa ibabaw ng Ilog Congo upang mai-ugnay ang Mbandaka sa French Congo. Iniwan ang pagtatayo nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at tanging nananatili ang mga pundasyon ng mga haligi ng tulay. Noong dekada-1930 sinimulan ng pangasiwaang kolonyal ng Belhika ang ilang mga proyekto, kabilang ang mga pabrika at isang bagong gusaling panlungsod. Natapos ang gusaling panlungsod noong 1947 pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at sa mga panahong iyon ito ang pinakamataas na gusali sa Belhikanong Congo na may taas na 39 na metro.
Sa ibabaw ng gusaling panlungsod nakatayo ang isang bantayog ni Leopold II. Nawasak ang gusaling panlungsod sa isang sunog noong 1963.[3]
Noong 1966, binago ng bagong pamahalaan ang pangalan ng lungsod sa "Mbandaka" bilang karangalan sa isang kilalang pampook na pinuno.
Pagpaslang sa mga Hutu
baguhinDaan-daang mga tao (karamihan ay mga takas, kababaihan, at batang Hutu) ay walang-awang pinaslang noong ika-13 ng Mayo, 1997 noong matatapos na ang Unang Digmaang Congo.[4][5] Sinabi ng mga sundalong Konggoles na nanggaling ang utos kay Koronel Wilson, punò ng isang brigada ng mga kawal ni Kabila, at Koronel Richard, ang pinuno ng pamamahalà ng brigada, kapuwa mga Ruwandano. Ayon sa kanila, hawak ng Konggoles na si Hen. Gaston Muyango ang titulo ng komander ng militar ngunit wala itong tunay na kapangyarihan.[6]
Pagkalat ng Ebola
baguhinNoong ika-16 ng Mayo 2018, naganap sa lungsod ang isang kaso ng sakit na Ebola na kumalat diyan mula sa isang pagsimula ng sakit sa kanayunan.[7][8]
Heograpiya
baguhinAng Mbandaka ay nasa silangang pampang ng Ilog Congo sa ibaba ng bunganga ng Ilog Tshuapa na isang sangay nito. Sa timog ng Reserbang Ngiri ang isang malaking pook ng kagubatang latian sa kabilang pampang ng Ilog Congo. Ito ay nasa sentro ng Tumba-Ngiri-Maindombe Ramsar wetland.[9] Itinalaga itong Wetland of International Importance ng Ramsar Convention noong 2008.[10]
Ang Mbandaka ay kabisera ng lalawigan ng Équateur at matatagpuan ilang milya lamang mula sa ekwador. Nakaugnay ito sa Kinshasa, ang pambansang kabisera, at Boende sa pamamagitan ng bangka. Ito ay nasa maabalang koridor ng paglalakbay salungat sa agos mula sa Kinshasa, at maaabutan ito mula sa kabisera gamit ng isang oras na sakay sa eroplano o isang apat-hanggang-pitong araw na paglalakbay gamit ang lantsang pang-ilog.
Malaki ang naging tama sa imprastraktura ng lungsod ang ilang taon nang pakikipagdigma at kapabayaan, kaya walang kuryente o magagamit na tubig sa malaking bahagi ng lungsod. Karamihan sa mga kalye at abenida sa lungsod ay mga daang lupa.
Klima
baguhinAng Mbandaka ay may klimang tropikal na maulang kagubatan sa ilalim ng Köppen climate classification. Bagamat nag-iiba ang presipitasyon sa lungsod, wala itong tag-tuyo; ang pinakatuyong buwan na Enero ay may karaniwang presipitasyon na humigit-kumulang 80 milimetro. Ang pinakabasa ay Oktubre na may 210 milimetro ng presipitasyon. Halos di-nagbabago ang mga temperatura sa buong taon, kalakip ng tamtamang temperatura na umaabot sa 23°C hanggang 26°C.
Datos ng klima para sa Mbandaka | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 31 (88) |
32 (90) |
32 (90) |
31 (88) |
31 (88) |
30 (86) |
30 (86) |
29 (84) |
30 (86) |
30 (86) |
30 (86) |
30 (86) |
30.5 (87) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 25 (77) |
26 (79) |
26 (79) |
26 (79) |
26 (79) |
25 (77) |
24 (75) |
23 (73) |
25 (77) |
25 (77) |
25 (77) |
25 (77) |
25.1 (77.2) |
Katamtamang baba °S (°P) | 19 (66) |
20 (68) |
20 (68) |
20 (68) |
20 (68) |
19 (66) |
17 (63) |
17 (63) |
19 (66) |
19 (66) |
19 (66) |
19 (66) |
19 (66.2) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 80 (3.15) |
100 (3.94) |
150 (5.91) |
140 (5.51) |
130 (5.12) |
110 (4.33) |
100 (3.94) |
100 (3.94) |
200 (7.87) |
210 (8.27) |
190 (7.48) |
120 (4.72) |
1,630 (64.17) |
Sanggunian: [1] |
Demograpiya
baguhinNoong 2004 ang pook urbano ng Mbandaka ay may 729,257 katao. Noong 2018 lumaki ito sa halos 1.2 milyong katao.
Ang pangunahing pangkat etniko sa lungsod ay liping Mongo ngunit nakatira rin dito ang maraming mga tao mula sa iba't-ibang mga lipi at rehiyon. Ang mga pangunahing wika ng lungsod ay Lingala, Pranses, at Mongo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "World Gazetteer". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ Le Congo: de la colonisation belge à l'indépendance, Auguste Maurel, page 94-95
- ↑ Le Congo : de la colonisation belge à l'indépendance, Auguste Maurel, page 153-155
- ↑ Jason Stearn (Agosto 26, 2010). "Bombshell UN report leaked: 'Crimes of genocide' against Hutus in Congo". Christian Science Monitor.
- ↑ James C. McKinley Jr; Howard W. French (Nobyembre 14, 1997). "Hidden Horrors: Special Report: Tracing the Guilty Footsteps Along Zaire's Long Trail of Death". New York Times.
- ↑ John Pomfret (Hunyo 11, 1977). "MASSACRES WERE A WEAPON IN CONGO'S CIVIL WAR". Washington Post.
- ↑ Bearak, Max (2018-05-17). "First confirmed urban Ebola case is a 'game changer' in Congo outbreak". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2018-05-17.
- ↑ "DR Congo Ebola outbreak: WHO in emergency talks as cases spread". BBC.
- ↑ "CD003 Ngiri". Birdlife International. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-02. Nakuha noong 2012-01-30.
- ↑ "DR Congo Announces World's Largest Protected Wetland". Environment News Service. Hulyo 24, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2012-01-28.
Mga kawing panlabas
baguhin- The Botanical Gardens of Zaire and the Present State of Biodiversity in Zaire Naka-arkibo 2008-10-07 sa Wayback Machine.
- "Villes de RD Congo - Mbandaka" (sa wikang Pranses). MONUC. 2006-05-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-04. Nakuha noong 2008-09-16.