Megalosaurus
Ang Megalosaurus (nangangahulugang malaking butiki/reptilya sa Wikang Griyego) ay isang malaking dinosauro na kumakain ng karne na nanirahan noong Gitnang Panahong Hurasiko ng Europa. Ito ay unang natuklasan noong 1824, at ang pinakaunang dinosaur na pinangalanan. Noong 1827, isinama ni Gideon Mantell ang Megalosaurus sa kanyang geological survey sa timog-silangang Inglatera. Binigyan niya ng pangalan ang species na ito, Megalosaurus bucklandii.[1]
Dahil ang isang kumpletong kalansay nito ay hindi pa natagpuan, hindi masyadong malinaw ang hitsura nito. Inakala ng unang nag-imbestiga sa Megalosaurus na ito ay isang dambuhalang butiki na may haba na dalawampung metro. Noong 1842, napagpasyahan ni Richard Owen na ito ay hindi hihigit sa siyam na metro, na nakatayo sa apat na paa. Alam na ng agham na ang lahat ng mga theropod ay nakatayo sa dalawang paa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Mantell G. 1827. Illustrations of the geology of Sussex: a general view of the geological relations of the southeastern part of England, with figures and descriptions of the fossils of Tilgate Forest.