Milon
(Idinirekta mula sa Melon)
Ang milon o melon (Ingles: melon) ay isang uri ng prutas.[1] Bilang pangalan, ginagamit ang katawagang milon para sa sari-saring mga kasapi ng pamilyang Cucurbitaceae na may malamang mga bunga o prutas. Maaaring tumukoy ang milon sa halaman o bunga, na isang hindi totoong ratiles. Maraming iba't ibang mga kultibar ang nalikha, partikular na ng mga mga milong musko o milong Kastila. Tumutubo ang halamang ito bilang isang halamang gumagapang o baging. Bagaman isang prutas ang milon, may ilang mga uri nitong maituturing bilang gulay sa larangan ng pagluluto o "kulinaryong gulay".
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.