Milong Kastila

(Idinirekta mula sa Milong musko)

Ang milong Kastila, kantalupo, milong bato, milon[1] o melon[2] lamang (Ingles: cantaloupe, cantaloup, muskmelon, rockmelon) ay isang uri ng milon o melon na tumutukoy sa dalawang mga uri ng Cucumis melo[3], na isang uring nasa pamilyang Cucurbitaceae, na kinabibilanganng halos lahat ng mga milon at ng mga kalabasa. Sumasakop sa mga sukat o timbang na mula 0.5 kg hanggang 5.0 kg ang mga milong Kastila. Dating tumutukoy lamang ang kantalupo sa mga "walang lambat" na mga milong may lamang kulay narangha na mula sa Europa, ngunit naging kagamitan sa kasalukuyan ang mga katawagang para rito sa anumang milong may lamang kulay narangha o C. melo.

Milong Kastila
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Cucurbitales
Pamilya: Cucurbitaceae
Sari: Cucumis
Espesye:
C. melo
Pangalang binomial
Cucumis melo
Isang milong musko.

Samantala, ang Cucumis melo na milong musko ay isang uri ng milong umunlad upang magkaroon ng maraming inaalagaang mga uri. Kabilang dito ang mga may makikinis na balat na milong lunti, milong crenshaw, milon ng taglamig o milon ng tagniyebe, milong kasaba, iba pang magkakahalong lipi ng mga milon, at pati na ang iba't ibang mga "nalalambatang" mga kultibar (katulad ng milong Persa at "santa claus" o milong pasko). Katutubo ang mga muskong milon sa hilagang-kanlurang Indiya, na lumaganap papunta sa Tsina at Europa sa pamamagitan ng Imperyong Persa.[4] Nahahati ang samu't saring mga kultibar sa maraming mga kapangkatang pang-kultibar.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Cantaloupe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Cantaloupe". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Cantaloupe[patay na link].
  3. "cantaloupe at m-w.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-16. Nakuha noong 2009-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Desai, B.B. (2004), Seeds handbook: biology, production, processing and storage (ika-ika-2 (na) edisyon), p. 298{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.