Nagkakaisang Metodistang Simbahan

(Idinirekta mula sa Methodism)

Ang Nagkakaisang Metodistang Simbahan (Ingles: United Methodist Church) ay isa sa mga pinakamalaking simbahang Protestante sa buong mundo. Sa Pilipinas, mayroon itong 1 milyong mga miyembro kung saan ang karamihan ay naka-base sa Luzon. Ang simbahang ito rin ang unang Protestanteng simbahang dumating sa Pilipinas kasabay ng pagdating ng mga Amerikano noong 1898. Ang unang Protestanteng pastor ay isang Metodista. Ang simbahang ito ay isa sa walong malalaking Protestanteng simbahang sa Pilipinas na bumubuo ng Pambansang Konseho ng mga Simbahan ng Pilipinas.

Kayarian

baguhin

Ang Nagkakaisang Metodistang Simbahan ay hinahati sa mga heograpikong area sa ilalim ng isang obispo. Ang isang heograpikong areang may obispo ay tinatawag na areang episkopal area. Sa Pilipinas, may tatlong areang episkopal - ang Areang Episikopal ng Baguio, Areang Episkopal ng Maynila at Areang Episkopal ng Davao. Ang sinasakupan ng Baguio ay ang mga rehiyon 1, 2 at 3. Ang pang-Maynila ay binubuo ng rehiyon 4 at 5. Samantalang ang areang Davao ay ang mga simbahang nasa Kabisayaan at Mindanaw. Ang tatlong areang episkopal area na ito ay binubuo ng iba't ibang Kumperensiyang Taunan. Sa Pilipinas, mayroong 19 anwal na kumperensiya.

Ang tatlong areang episkopal na ito ang bumubuo ng Sentral na Kumperensiya ng Pilipinas (Philippine Central Conference), na isa sa mga sentral at hurisdiksyunal na kumperensiyang bumubuo sa pandaigdigang Kumperensiyang Heneral (o Pangkalahatan) ng Nagkakaisang Metodistang Simbahan.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.