Metropolitanong Katedral ng Mahal na Ina ng Lourdes

simbahan sa Kerala, India

Ang Metropolitanong Katedral ng Mahal na Ina ng Lourdes, ay isa sa pinakamalaking simbahan sa Kerala, ay matatagpuan sa gitna ng Lungsod ng Thrissur sa estado ng Kerala, India. Alay sa Mahal na Ina ng Lourdes,[1] ang simbahang Katolikong Siro-Malabar ay kilala sa mabibigat na loob nito. Ang pangunahing kaakit-akit na katangian nito ay isang dambana sa ilalim ng lupa, itinuturing na isang obra maestra ng disenyo ng arkitektura. Si P. John Maliekkal ay sinasabing nagplano at nagtayo ng simbahang ito. Nagtatampok ang labas ng simbahan ng isang patsadang Indo-Europeo na may mga puting espira. Ang sentenaryo ng simbahang ito ay ipinagdiriwang sa makasaysayang pagbisita ni Papa Juan Pablo II sa Lungsod Thrissur noong 1986. Ang simbahanng katedral ay umaakit ng libo-libong mga peregrino bawat buwan.

Metropolitanong Katedral ng Mahal na Ina ng Lourdes
Harapang patsada ng Metropolitanong Katedral ng Mahal na Inang Lourdes
10°31′23.18″N 76°13′39.75″E / 10.5231056°N 76.2277083°E / 10.5231056; 76.2277083
LokasyonThrissur, Kerala
BansaIndia
DenominasyonSimbahang Siro-Malabar
Websaytlourdescathedralthrissur.com
Kasaysayan
DedikasyonMahal na Ina ng Lourdes
Arkitektura
EstadoKatedral
Katayuang gumaganaAktibo
IstiloGotiko
Natapos1957; 67 taon ang nakalipas (1957)
Pamamahala
ArkidiyosesisKatolikong Siro-Malabar na Arkidiyosesis ng Thrissur
Klero
ArsobispoMar Andrews Thazhath
(Mga) BikaryoFr. Jose Chalakkal
Assistant priestFebin Kuthur Sijo Puthur

Mga pangyayari

baguhin
  • 1875: Isang bagong Simbahang Katolikong Siro ay itinatag sa Thrissur; ang Marth-Mariyam Valiyapalli na itinayo noong 1814 ay sinakop ng Caldeong Sirong Sismatiko sa ilalim ni Mar Elias Mellus Archbishop (Para sa mga ito at sumusunod na materyal.)[2][3]
  • 1885: Ang pagtataguyod ng ating Simbahan ng Mahal na Ina ng Lourdes para sa mga Katoliko Romano ng Ritung Latin (Mga Katolikong Latin).
  • 1887: Pagtayo ng vicariatong Apostoliko ng Trichur ( Mayo 20) kasama si Mgr. Adolphus Medlycott bilang unang Apostolikong Vicariato.
  • 1891: Ang pagtaas ng Simbahan ng Lourdes bilang Katedral ng Vicariato ng Trichur kapalit ng 1875 na Simbahang Siro-Romano para sa Katolikong Latin.
  • 1896: Pag-angat ni Mgr. John Menachery (Vicario ng Katedral) sa Katayuan bilang Apostolikong Vicario.
  • 1923: Pag-aangat ng Trichur bilang Diyosesis, si Mar Francis Vazhappilly bilang unang Obispo. Pagpapanumbalik ng Indianong Herarkiyang Katolikong Siro-Malabar
  • 1934: Pagpapala ng kapilya malapit sa pangunahing tarangkahan.
  • 1952: Pagpapala ng kapilya sa cripta 75'x 50 '
  • 1957: Pagpala ng kasalukuyang katedral ni Mar George Alappatt.
  • 1986: Episkopal na pagpapala ng estatwa ng Mahal na Ina ng Lourdes. Isang taimtim na pagtatapos ng ika-100 taong pagdiriwang ng diyosesis at ng katedral nito ni Pope John Paul II sa kaniyang Apostolikong Pagbisita sa Thrissur, Pebrero 7
  • 1995: Ang pag-angat ng Trichur bilang isang Metropolitanong Luklukan, at Simbahan ng Lourdes bilang Metropolitanong Katedral
  • 1996: Pagpapala ng Bulwagang Sentenaryo
  • 1997: Pagtalaga kay Mar Jacob Thoomkuzhy Metropolitanong Arsobispo ng Trichur
  • 1998: Pagpapala ng Kapilya ng Sementeryo.
  • 2004: Episkopal na pagtatalaga kay Mar Andrews Thazhath, ang Ikatlong Arsobispo ng Trichur.
  • 2010: Episkopal na pagtatalaga kay Mar Raphael Thattil, ang pangalawang Katuwang na Obispo ng Trichur
  • 2017: Episkopal na pagtatalaga kay Mar Tony Neelankavil, ang pangatlong Katuwang na Obispo ng Trichur

Galeriya

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Our Lady of Lourdes Metropolitan Cathedral, Trichur, Kerala, India (Syro-Malabar)". www.gcatholic.org. Nakuha noong 2016-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Lourdes Cathedral Thrissur, Kerala, India", Official Web site
  3. "Archdiocese of Thrissur". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-22. Nakuha noong 2020-11-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)