Mga Boholano

pangkat etnikong Bisayà

Ang mga Boholano, na tinatawag ding Bol-anon, ay tumutukoy sa mga taong nakatira sa lalawigang pulo ng Bohol. Bahagi sila ng mas malawak na Bisaya na pangkat etnolingguwistiko, na bumubuo sa pinakamalaking pangkat etnolingguwistiko sa Pilipinas.

Mga Boholano
Isang Boholano na may hawak na pagkaing salungo.
Kabuuang populasyon
1,872,005 sa Pilipinas[1] (hindi kilalang numero sa ibayong dagat)
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Pilipinas Pilipinas
(Bohol, Timog Leyte, hilaga-silangang Mindanao)
Sa ibayong dagat
Wika
Bisaya (karamiha'y Sebwanong Boholano, sinusundan ng karaniwang Sebwano), Filipino, Ingles
Relihiyon
Katoliko Romano
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga Sebwano, mga ibang Bisaya, mga Awstronesyo

Kasaysayan

baguhin

Sinasabing inapo ang mga Boholano ng huling pangkat ng mga nanirahan sa Pilipinas na tinatawag na pintados o "mga nakatatu."[2] May sariling kultura na ang mga Boholano noon gaya ng pinatutunayan ng mga artepaktong hinukay sa Mansasa, Lungsod ng Tagbilaran, at sa Dauis at Panglao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ethnicity in the Philippines (2020 Census of Population and Housing)". Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bohol-The Island Province Naka-arkibo 2023-03-05 sa Wayback Machine. [Bohol-Ang Lalawigang Pulo] (sa wikang Ingles). www.aenet.org Nakuha noong Nobyembre 15, 2006.