Silangang Kaindiyahan

heograpikong rehiyon ng mga pulo sa Silangan ng Indiya at Kalupaang Timog-silangang Asya
(Idinirekta mula sa Mga India (kapuluan))

Ang Silangang Kaindiyahan (o kaya'y Kaindiyahan), ay termino na ginamit sa mga makasaysayang salaysay ng Panahon ng Pagtuklas. Tumutukoy ang Kaindiyahan sa mga iba't ibang lupain sa Silangan o Silangang Emisperyo, lalo na mga pulo at kalupaan na matatagpuan sa loob at sa palibot ng Karagatang Indiyo ng mga Portuges na eksplorador, di-nagtagal pagkatapos madiskubre ang rutang Kabo. Sa ngayon, ginagamit itong termino sa pagtutukoy ng Kapuluang Malay, na binubuo ng Kapuluan ng Indonesya, Borneo ng Malasya, the Kapuluan ng Pilipinas, at Bagong Ginea. Sa kasaysayan, ginamit itong termino sa Panahon ng Pagtuklas upang tumukoy sa mga baybayin ng mga lupaing nagbubuo sa subkontinenteng Indiyo at Tangway ng Indotsina pati na rin ang Kapuluang Malay.[1][2][3]

Isang mapa ng Silangang Kaindiyahan noong 1606
Isang mapa ng Silangang Kaindiyahan noong 1801

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "A map of the East-Indies and the adjacent countries, with the settlements, factories and territories, explaning [sic] what belongs to England, Spain, France, Holland, Denmark, Portugal & c with many remarks not extant in any other map" (sa wikang Ingles). 1720.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "East Indies | islands, Southeast Asia | Britannica" [Silangang Kaindiyahan | mga pulo, Timog-silangang Asya | Britannica] (sa wikang Ingles).
  3. "East Indies | Encyclopedia.com" [Silangang Kaindiyahan | Encyclopedia.com]. www.encyclopedia.com (sa wikang Ingles).