Nusantara

lumang term na Habanes para sa kapuluan ng Indonesia

Ang Nusantara ay isang makabagong salitang Malay-Indones na pumapatungkol sa kabuuan ng Kapuluang Indonesia.[1] Ito ay nagmula sa Lumang Habanes at nangangahulugang "kapuluan".[2] Sa kasalukuyang Malaysia, ang salita ay pumapatungkol sa "Kaligirang Malay".

Ang ginintuang mapa ng Nusantara sa loob ng Hall of Independence, Indonesian National Monument, Jakarta. Makikita na kasama rin ang Sabah, Sarawak, Brunei at Silangang Timor.

Ang salitang Nusantara ay kinuha mula sa panunumpa ni Gajah Mada noong 1336, na isinulat gamit ang Lumang Habanes sa Pararaton at Nagarakretagama.[3] Si Gajah Mada ay isang makapangyarihang pinuno ng militar at punong ministro ng Majapahit na nagbigay katanyagan sa buong imperyo. Siya ay nagbigay-panata na pinamagatang Sumpah Palapa, kung saan siya ay nanumpang hindi kakain ng kahit na anong pagkain na may halong panimpla hangga't hindi niya nasasakop ang buong Nusantara sa karangalan ng Majapahit.

Sa kasalukuyang pag-aaral, ang konseptong Nusantara ay pinaniniwalaang hindi nagmula kay Gajah Mada sa unang pagkakataon noong 1336. Ito ay mas naunang nabuo noong 1275 bilang Cakravala Mandala Dvipantara na nagmula kay Kertanegara ng Singhasari.[4] Ang Dvipantara ay salitang Sanskrit na ang ibig-sabihin ay "mga islang nakapagitan", ang magkatumbas na salitang "nusa" ng Nusantara at dvipa ay parehong nangangahulugang "isla". Ang salita ay tumutukoy sa Kapuluang Timog-silanganin ng Asya. Binalak ni Kertanegara na pagsamahin ang mga kaharian sa Timog-silangang Asya sa pamumuno ng Singhasari bilang depensa sa lumalakas na pwersa ng Dinastiyang Yuan sa kalupaan ng Tsina.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Echols, John M.; Shadily, Hassan (1989), Kamus Indonesia Inggris (An Indonesian-English Dictionary) (ika-1st (na) edisyon), Jakarta: Gramedia, ISBN 979-403-756-7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Friend, T. (2003). Indonesian Destinies. Harvard University Press. p. 601. ISBN 0-674-01137-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mpu, Prapañca; Robson, Stuart O. (1995). Deśawarṇana: (Nāgarakṛtāgama). KITLV. ISBN 978-90-6718-094-8. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wahyono Suroto Kusumoprojo (2009). Indonesia negara maritim. PT Mizan Publika. ISBN 978-979-3603-94-0. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin