Mga Pilipino Italyano

Ang mga Pilipino Italyano ay mga Italyano na alinman sa mga migrante o mga salinlahi ng mga migrante mula sa Pilipinas. Ang mga Pilipino ay bumubuo ng ikalimang pinakamalaking pamayanang pandarayuhan sa Italya, pagkatapos ng mga pamayanang Rumana, Albanes, Hilagang Aprikano, at Ukranyo.[1] Ang Italya ay kasama ng Gran Britanya bilang pinakamalaking destinasyon ng mga Pilipinong migrante sa Europa.[2] Ang kabesera ng Italya na Roma ay tahanan ng pinakamalaking pamayanang Pilipino.[3] Mahigit-kumulang 108,000 dokumentadong Pilipino ang naninirahan sa Italya bilang pansamantalang manggagawa o permanenteng residente, at tinantyang ang bilang ng mga hindi dokumentadong Pilipino ay naglalaro sa pagitan ng 20,000 at 80,000.[4][5] Noong 2008, ang ISTAT (Istituto Nazionale di Statistica), tanggapan ng estadistika ng Italya, ay nag-ulat na mayroong 113,686 na dokumentadong Pilipino na nakatira sa Italya samantalang ang bilang ay naging 105,675 noong 2007.[6]

Mga kilalang Pilipino sa Italya

baguhin
  • Si Marwin Angeles, futbolista
  • Si Simone Rota, futbolista (1984)

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Filipino Migration to Europe: Country Profiles". CFMW. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2011. Nakuha noong 19 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Filipino migration" (PDF). UN. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Hulyo 2014. Nakuha noong 7 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Filipino migration" (PDF). UN. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Hulyo 2014. Nakuha noong 7 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Filipino migration" (PDF). UN. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Hulyo 2014. Nakuha noong 7 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dancel, Joshua (25 Setyembre 2002). "Get amnesty before Italy kicks you out, OFWs told". Sun Star Manila. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Abril 2009. Nakuha noong 19 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "80,000 more Filipinos in Italy in 2008". ABS CBN News. 9 Agosto 2009. Nakuha noong 7 Disyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin