Mga Pilipino sa Olanda
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Enero 2025) |
Ang mga Pilipino sa Olanda o mga Pilipino sa Nederland ay mga mandarayuhan (imigrante) o kaya mga kaapu-apuhan ng mga Pilipino sa Olanda. Dahil sa mayroon ang mga Pilipino ng mga apelyidong Kastila, maaaring mapagkamalan ang mga taong Euro-Asyanong may mga apelyidong may mga amang Pilipino at Olandesa o iba pang hindi Kastilang puting mga ina bilang mga Kastilang Olandes. Nasa pagitan ng 5,500 at 18,000 mga Pilipino, kapwa mga isinilang sa Pilipinas ngunit lumisan sa bansa at mga ipinanganak sa Olandang kaapu-apuhan ng mga Pilipino ang namumuhay sa Olanda.[2][3] Bagaman namumuhay sila sa iba't ibang bahagi ng bansa, tahanan para sa pinakamalaking bilang ng mga pamayanang Pilipino ang Amsterdam at Rotterdam.[2]
Kabuuang populasyon | |
---|---|
5,500–18,000[1][2][3] | |
Wika | |
Tagalog, iba pang mga wikang Pilipino, Olandes, Ingles | |
Relihiyon | |
Romano Katoliko, Protestantismo, Islam, at iba pa | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
mamamayang Pilipino, mga Pilipino sa Ibayong Dagat |
Kasaysayan
baguhinNakarating sa Olanda ang unang Pilipinang nagpakasal at namuhay doon noong 1947 para maghanapbuhay sa isang ospital.[1][2] Noong mga 1960, isang mas malaking bilang ng mga Pilipino ang dumating upang magtrabaho sa mga ospital sa Leiden at Utrecht, maging sa mga pagawaan ng damit sa Achterhoek.[2] Mula noong, karamihan sa mga Pilipinong nagpupunta sa Olanda ay mga manggagawang may kontrata, mga mag-aaral para sa mas mataas na antas ng edukasyon, o mga trabahador sa larangan ng medisina.[2] Nalikha noong 1965 ang unang Olandes Pilipinong organisasyon, ang Philippine Nurses Association of the Academisch Ziekenhuis in Leiden o Asosasyon ng mga Pilipinong Nars ng Akademya ng Ziekenhuis sa Leiden.[4] Pagkaraan nito, nabuo pa ang iba pang mga samahan, katulad ng Dutch-Philippine Association at Dutch-Philippine Club, at mahigit na sa 20 ganyang mga Olandes-Pilipinong mga organisasyon ang umiiral ngayon sa Olanda.[4]
Sa kasalukuyan
baguhinSa araw-araw, tinatayang may mga 300 hanggang 500 mga Pilipino mandaragat ang dumaraan sa mga daungang Olandes,[1] at isang ikatlo ng mga au pair (o au pairs, Pranses para sa katulong sa bahay) sa Olanda ay mga Pilipinang bumibilang sa 1,500.[5] Bilang dagdag, may 500 mga Pilipino ang nagtatrabaho sa mga batalang langisan (mga oil rig sa Ingles) sa dagat sa Hilagang Karagatan.[5] Mahigit sa 80 mga Pilipinong estudyante ang nag-aaral sa mga pamantasang Olandes upang makapagkamit ng mga degring pang-Maestro (Dalubhasa) o Duktorado.[6] Sa kasalukuyan, ang naninirahan sa Olanda si Jose Maria Sison - isang Komunistang Pilipinong politiko na tinawag ng Estados Unidos at ng Unyong Europeo bilang isang "taong tumatangkilik ng terorismo".[7][8]
May dalawang pangunahing mga lathalaing Pilipino sa Olanda, ang Philippine Digest at ang Munting Nayon.[1]
Ang pagkakaroon ng malaking bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa Olanda ang naging isa sa mga kabahaging dahilan ng pagpapataas ng KLM ng bilang ng mga tuwirang paglipad ng mga eroplano patungo sa Pandaigdigang Paliparang Diosdado Macapagal (sa Lungsod ng Angeles at Pandaigdigang Paliparang Ninoy Aquino (sa Maynila) hanggang pito bawat linggo sa bawat isa, at pito bawat linggo sa lahat ng iba pang mga paliparang Pilipino.[9]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "A BRIEF HISTORY OF PHILIPPINE - NETHERLANDS RELATIONS". The Philippine Embassy in The Hague. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-15. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Palpallatoc, Mercy. "Filipino residents in the Netherlands". FFON. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-28. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Werning, Rainer (2009-09-04). "Netherlands-Philippines State Terrorism attacks Filipino Revolutionaries". Radical Notes. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Flores-Valenzuela, Orquidia. "History of the Filipino Community". Munting Nayon News Magazine. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 5.0 5.1 "Filipino Migration to Europe: Country Profiles". Philippine International Migration:Issues and Concerns of the Filipino Migrants in the Netherlands. CFMW. 1997-11-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-14. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Galicia, Loui (2009-01-23). "Pinoy scholar in Holland continues to inspire". Sikat ang Pinoy. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-15. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Toms, Sarah (2006-07-26). "Philippines' death penalty debate". BBC News. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite news}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Terrorism knowledge base, tkb.org
- ↑ "Philippines, Netherlands boost two-way air flights". ASEAN Affairs. 2008-07-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-07. Nakuha noong 2009-01-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na mga kawing
baguhin- Federation of Filipino Organizations in the Netherlands Naka-arkibo 2008-12-06 sa Wayback Machine., ffon.org