Hitano
(Idinirekta mula sa Mga Romani)
Ang mga taong hitano (bigkas: hi-TA-no; gitano sa Kastila), singgaro (bigkas: SING-ga-ro; zíngaro sa Kastila), o gypsy sa Ingles ay maaaring tumutukoy sa mga sumusunod na pamayanan at/o lahi ng mga taong palipat-lipat:
- mga taong Roma o Romani at Sinti, ang pinakamalaking pangkat na karaniwang tinutukoy ng katagang hitano na nasa Gitna at Silangang Europa
- mga taong Dom at Lyuli, isang pangkat na nasa Gitnang Silangan at Gitnang Asya
- mga taong Lom, isang pangkat na nasa silangang Turkiya at Armenya
- mga Banjara, isang pangkat na nasa Indiya
- mga Naglalakbay na Irlandes (Irish Travellers o Pavee), isang pangkat na may pinanggalingang Irlandes at matatagpuan sa Irlanda, Gran Britanya at Estados Unidos
- mga taong Yeniche o Jenische, karamihan ay nasa Alemanya, Austria, Suwisa, Pransiya at Belhika
- mga Hitanong Dagat (Sea Gypsies* sa Ingles), mga iba't ibang pangkat sa Timog Silangang Asya
Ang Katagang Gypsy
baguhinSa kasalukuyang panahon ang katagang gypsy sa Ingles ay itinuturing na salitang negatibo o nakakasirang[1] pantukoy (pejorative term) sa mga nasabing pangkat.
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.