Ang Mga Yapak sa Buhangin o Mga Bakas ng mga Paa sa Buhangin, pinamagatan sa Ingles na Footprints in the Sand, Footprints, at I Had a Dream (Nagkaroon Ako ng Isang Panaginip) sa Ingles, ay isang tanyag na alegoriko o patalinghagang tekstong tuluyan o prosa. Mayroong tatlong bersyon ang tulang ito na may magkakatulad o magkakahawig na mga pamagat, subalit may iba’t ibang umaangking mga may-akda.[1] Habang nagtatalu-talo ang mga dalubhasa hinggil sa pagmamay-ari nito, naging bantog ito sa buong mundo, partikular na sa mga Kristiyano.
Kabilang sa mga umaangking umakda ng mga bersyon nito sina Mary Stevenson (Footprints in the Sand, 1936), Margaret Fishback Powers (Footprints, kilala rin bilang I Had a Dream, 1964), at Carolyn Carty (Footprints, 1963).[1]
Narito ang isa sa mga bersyon nito na ikinakabit kay Carolyn Carty. Katabi nito ang salin sa Tagalog:
Footprints
One night a man had a dream. He dreamed He was walking along the beach with the LORD. Across the sky flashed scenes from His life. For each scene He noticed two sets of footprints in the sand. One belonging to Him and the other to the LORD.
When the last scene of His life flashed before Him, he looked back at the footprints in the sand. He noticed that many times along the path of His life there was only one set of footprints. He also noticed that it happened at the very lowest and saddest times of His life.
This really bothered Him and He questioned the LORD about it. "LORD you said that once I decided to follow you, you'd walk with me all the way. But I have noticed that during the most troublesome times in my life there is only one set of footprints. I don't understand why when I needed you most you would leave me."
The LORD replied, "My precious, precious child, I Love you and I would never leave you! During your times of trial and suffering when you see only one set of footprints, it was then that I carried you."[1]
Mga Yapak sa Buhangin
Isang gabi, nanaginip ang isang lalaki. Napangarap niyang naglalakad siya sa may dalampasigan na kapiling ang Panginoon. Lumitaw mula sa kalawakan ang mga kaganapan mula sa kanyang buhay. Sa bawat kaganapan, nakapuna siya ng dalawang pangkat ng mga yapak sa buhangin; sa kanya ang isang tambalan, at sa Panginoon ang isa pa.
Noong lumitaw sa harapan niya ang huling kaganapan ng kanyang buhay, muli niyang tiningnan ang mga bakas ng mga paang nasa buhanginan. Napansin niya na maraming ulit sa kahabaan ng daanan ng kanyang buhay na mayroon lamang isang pangkat ng mga yapak. Napansin din niya na nangyari ito sa pinakamabababa at pinakamalulungkot na mga panahon sa kanyang buhay.
Talagang ikinabahala niya ito and tinanong niya ang Panginoon hinggil dito. "Panginoon, sinabi mo na kapag nagpasya akong sumunod sa iyo, palagi kang maglalakad na kapiling ko. Subalit napuna kong sa panahon ng pinakamasuliraning mga panahon sa aking buhay, mayroon lamang isang pangkat ng mga yapak sa buhangin. Hindi ko maunawaan kung bakit iiwanan mo ako sa panahong kailangan kita."
Tumugon ang Panginoon, "Pinakamamahal kong anak, iniibig kita at hindi ko magagawang lisanin ka kailan man. Sa panahon ng iyong mga pagsubok at paghihirap, noong makita mo ang isang pangkat lamang ng mga bakas ng mga paa sa buhangin, ito ang panahong pinapasan kita."