Mga Yungib ng Batu

sistema ng mga yungib sa Gombak, Selangor, Malasya


Ang Mga Yungib ng Batu ay isang mogoteng may serye ng kuwebang apog sa Gombak, Selangor, Malasya. Matatagpuan ito sa mga 13 km (8.1 mi) pahilaga ng kabiserang lungsod ng Kuala Lumpur. Naglalaman ang pangkat ng mga yungib ng maraming templong Hindu, pinakasikat dito ang isang dambanang nakatuon kay Murugan, isang Hindung diyos. Ito ang pinakasentro ng pistang Tamil na Thaipusam sa Malasya. Ang kompleks ay mayroon ding 43 m (141 tal) estatwa ni Murugan, isa sa pinakamalaking estatwa ni Murugan sa mundo.

Mga Yungib ng Batu
Pasukan ng mga yungib at ang Estatwa ni Murugan sa harap
Relihiyon
PagkakaugnayHinduismo
DistrictGombak
DiyosMurugan
Mga PistaThaipusam
Lokasyon
EstadoSelangor
BansaMalasya
Mga koordinadong heograpikal3°14′14.64″N 101°41′2.06″E / 3.2374000°N 101.6839056°E / 3.2374000; 101.6839056
Arkitektura
Nakumpleto1920

Etimolohiya

baguhin

Hinango ang pangalan ng mga yungib sa kalapit na Ilog Batu Pahat.[1][2] Nagmula ang salitang batu sa Malay na nangangahulugang "bato".[3] Ang burol ay tinawag na "Kapal Tanggang" (barko ni Si Tanggang) ayon sa alamat Malay na Malin Kundang.[4] Sa Tamil, Pathu malai (பத்து மலை) ang tawag sa templo.[5]

Kasaysayan

baguhin

Pinagkanlungan ang mga yungib ng mga katutubong Temuan, isang tribo ng Orang Asli.[2] Noong d. 1860, nagsimulang maghukay ang mga naninirahang Tsino ng guwano mula sa mga yungib, na ipinampataba.[6] Noong 1878, nadiskubre ang mga yungib ng Amerikanong naturalista na si William Hornaday.[7] Itinaguyod ang mga yungib ni K. Thamboosamy, isang Indiyanong Tamil na mangangalakal, bilang sambahang Hindu.[2] Natapos noong 1891 ang templong Hindu na nakatuon sa panginoong Murugan, at nag-umpisa noong 1892 ang taunang pagdiriwang ng Thaipusam.[1] Mula noon, nagkaroon ng mga karagdagang pagsulong ng mga sambahan sa rehiyon. Nagsimula ang pagpapabahay sa rehiyon noong huling bahagi ng ika-20 siglo. Nagpahayag ang di-pampamahalaang organisasyon ng mga alalahanin tungkol sa labis na pagpapaunlad ng lugar.[8]

Heolohiya

baguhin
 
Batong-apog na karst

Ang kompleks ay isang mogoteng may serye ng mga kuwebang apog, na nabuo mahigit 400 milyong taon na ang nakalilipas.[9][10] Binubuo ito ng komplikadong sistema ng 20 kilalang yungib kabilang dito ang apat na mas malaking sistema ng yungib na may maraming magkakaugnay na pitak.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Batu caves" [Mga yungib ng Batu] (sa wikang Ingles). Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2018. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Ashley Morton (12 Agosto 2016). "Visiting Lord Murugan" [Pagbisita kay Panginoong Murugan]. Huffington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Batu meaning" [Kahulugan ng Batu] (sa wikang Ingles). Merriam Webster. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Teckwyn, Lim; Sujauddin, Yusof; Mohd, Ashraf (2010). "The Caves of Batu Caves: a Toponymic Revision" [Ang Mga Yungib sa Yungibang Batu: isang Rebisyong Toponomiko]. Malayan Nature Journal (sa wikang Ingles). 62 (4): 335–348. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-05-22. Nakuha noong 2024-05-22.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "History and Specialties of Batumalai Cave Murugan Temple in Malaysia Built by Tamils" [Kasaysayan at Espesyalidad ng Templo ni Murugan sa Yungib ng Batumalai sa Malaysia na Itinayo ng mga Tamil]. Samayam (sa wikang Ingles). 25 Hunyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2023. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Multiracial history of Batu caves". 6 Pebrero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2024. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. By Kon Yit Chin; Voon Fee Chen (2003). Landmarks of Selangor. Jugra Publications. p. 30. ISBN 978-9-814-06878-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Explain land grants within Batu Caves reserve, NGOs tell Selangor" [Ipaliwanag ang pagbibigay ng lupa sa loob ng reserba ng Mga Yungib ng Batu, sinasabi ng mga NGO sa Selangor]. Free Malaysia Today (sa wikang Ingles). 10 Setyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Marso 2024. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "This 400 million-year-old cave site and temple in Malaysia is planning an escalator upgrade" [Itong 400 milyong taong gulang na yungib at templo sa Malasya, nagpaplano ng pagpapabuti ng eskalador]. CNN (sa wikang Ingles). 21 Enero 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2024. Nakuha noong 1 Mayo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Indian Navy. Maritime Heritage of India [Maritimong Pamana ng Indiya] (sa wikang Ingles). Notion Press. p. IV. ISBN 978-9-352-06917-0.