Unggoy

(Idinirekta mula sa Matsing)

Ang unggoy ay isang primado ng suborden na Haplorrhini at impraorden na simian na isang Lumang Daigdig na unggoy o isang Bagong Daigdig na unggoy ngunit hindi kasama ang mga bakulaw. Sa kasalukuyan ay may mga 260 alam na nabubuhay na species ng unggoy. Ang marami sa mga ito ay nakatira sa mga puno bagaman may ilang species ng unggoy na pangunahing nakatira sa lupain gaya ng mga baboon. Ang mga unggoy ay pangkalahatang itinuturing na matalino. Hindi tulad ng mga bakulaw na walang buntot, ang mga unggoy ay karaniwang may buntot. Ang mga walang buntot na unggoy ay hindi tamang tinawag na mga "bakulaw" o "ape" gaya ng mga walang buntot na Barbary macaque na tinatawag na "Barbary ape". Ang mga Bagong Daigdig na unggoy (superpamilyang Ceboidea) ay inuuri sa loob ng pavorden na Platyrrhini samantalang ang mga Lumang Daigdig na unggoy (superpamilyang Cercopithecoidea) ay bahagi ng pavorden na Catarrhini na kinabibilangan ng mga hominoid na kinabibilangan ng mga tao. Dahil ang Lumang Daigdig na unggoy ay mas malapit sa mga hominoid kesa sa mga Bagong Daigdig na unggoy, ang mga unggoy ay hindi isang unitaryong (monophyletic) pangkat.

Unggoy
Temporal range: Late Eocene–Present[1]
Bonnet macaque Macaca radiata Mangaon, Maharashtra, India
Bonnet macaque Macaca radiata Mangaon, Maharashtra, India
Scientific classificationEdit this classification
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
[a]
Groups included
Platyrrhini
Cercopithecidae
Parapithecidae
Cladistically included but traditionally excluded taxa
Hominoidea

Ang mga bakulaw (ape) ay lumitaw sa loob ng "mga unggoy" bilang kapatid ng Cercopithecidae sa Catarrhini at kaya sa usapang kladistiko , sila ay mga unggoy rin. Gayunpaman, may mga pagsalungat na tawagin ang mga bakulaw na mga unggoy kaya ang "Lumang Daigdig na Unggoy" ay maaaring mangahulugang mga Cercopithecoidea (hindi kabilang ang mga bakulaw) o the Catarrhini (kabilang ang mga bakulaw). Nilagay ni Linnaeus ang pangkat na ito noong 1758 kasama ng mga tarsier sa isang genus "Simia" (hindi Homo) na isang pangkat na kinikilala ngayon bilang Haplorhini.

Ang mga lemur, loris at mga galagos ay hindi mga unggoy. Sa halip, sila ay mga primadong strepsirrhine (suborden Strepsirrhini). Ang kapatid na pangkat ng mga simian na mga tarsier ay mga primadong haplorhine rin bagaman hindi sila mga unggoy.

Ang mga klasipikasyong siyentipiko ay mas karaniwan ngayon na batay sa mga grupong monophyletiko na mga pangkat na binubuo ng lahat ng mga inapo ng isang karaniwang ninuno. Ang mga Bagong Daigdig na Unggoy at mga Lumang Daigdig na Unggoy ay bawat isang mga pangkat na monophyletiko ngunit ang kanilang kombinasyon ay hindi sa kadahilanang hindi kasama rito ang mga hominoid (mga bakulaw at mga tao). Sa kadahilanang ito, ang katagang "unggoy" ay hindi na tumutukoy sa isang kinikilalang siyentipikong taxon. Ang pinakamaliit na tinatanggap na taxon na naglalaman ng lahat ng mga unggoy ang impraorden Simiiformes o simians. Gayunpaman, ito ay naglalaman rin ng mga hominoid kaya ang mga unggoy sa termino ng kasalukuyang kinikilalang taxa ay mga hindi hominoid na simian.

Klasipikasyon

baguhin
 
Common squirrel monkey
 
Crab-eating macaque in Thailand
Phylogeny of living (extant) primates
 mga primado 
 Haplorhini 
 Simiiformes 
 Catarrhini 

Hominoidea



Cercopithecoidea 




Platyrrhini 




Tarsiiformes




Strepsirrhini



mga unggoy
Ang mga unggoy (sa mga berdeng bracket) ay hindi isang pangkat monophyletic dahil hindi nila isinasama ang mga hominoid.

Ang talaan sa iba ay nagpapakita kung saan ang iba't ibang mga pamilya ng unggoy ay nakalagay sa klasipikasyon ng mga nabubuhay na primado.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Fleagle, J.; Gilbert, C. Rowe, N.; Myers, M. (mga pat.). "Primate evolution". All the World's Primates. Primate Conservation, Inc. Nakuha noong 18 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Groves 2008, pp. 92–93.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2