Mga guho ng Cagsawa

Ang mga Guho ng Cagsawa (minsang binaybay rin bilang Kagsawa o Cagsaua, Ingles: Cagsawa Ruins) ay mga labí ng simbahan ng Cagsawa, isang simbahang Pransiskano noong ika-16 na dantaon. Matatagpuan ito sa barangay Busay, Daraga sa lalawigan ng Albay, Kabikulan, Pilipinas. Bahagi ito ng Liwasang Cagsawa, at kapuwang pinoprotekta at pinapanatili ito ng pamahalaang bayan ng Daraga at ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ito ang isa sa mga pangunahing destinasyong panturismo sa buong Kabikulan. Kinilala ito ng ITB Berlin o Internationale Tourismus-Börse Berlin, isa sa pangunahing mga eksibit ng paglalakbay sa mundo na nakabase sa Berlin, bilang isa sa mga bibisitahing lugar sa Asya.[1] Di-kalayuan matatagpuan ang Bulkang Mayon.

Mga Guho ng Cagsawa
Tanging natira lamang sa dating simbahan ng Cagsawa ay ang kampanang tore nito.
Mga guho ng Cagsawa is located in Pilipinas
Mga guho ng Cagsawa
Kinaroroonan sa Pilipinas
Ibang pangalanKagsawa, Cagsaua
KinaroroonanBusay, Albay, Kabikulan, Pilipinas
Mga koordinado13°9′58″N 123°42′4″E / 13.16611°N 123.70111°E / 13.16611; 123.70111
KlaseSimbahan
Lawak500 m2 (5,400 pi kuw)
Kasaysayan
NagpatayôOrden Pransiskano
Itinatag1724
Nilisan1814
PamunuanLokal na Pamahalaan ng Daraga at ang Pambansang Museo ng Pilipinas

Unang itinayo ito sa bayan ng Cagsawa (kasalukuyang bahagi ng Daraga) noong 1587 ngunit sinunog ito ng mga piratang Olandes noong 1636. Muli itong itinayo ni Padre Francisco Blanco noong 1724, subalit nawasak ito, kasama na ang bayan ng Cagsawa, noong Pebrero 1, 1814, sa kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "ITB Berlin". Messe Berlin. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2014. Nakuha noong Mayo 3, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.