Mga lalawigan ng Biyetnam

Ang Biyetnam ay nahahati sa 59 na mga lalawigan (na kilala sa Biyetnames bilang tinh, mula sa Tsinong 省 shěng). Mayroon ding limang bayan na kontrolado ng pamahalaang sentral na katumbas na antas ng mga lalawigan (thành phố trực thuộc trung ương).

Pagkakahating Administratibo ng Sosyalistang Republika ng Vietnam

Pamahalaan

baguhin

Ang mga lalawigan ng Vietnam, ay kontrolado ng Kagawaran ng mga Tao, na inihahalal ng mga naninirahan doon. Ang Kagawaran ng mga Tao ay nagtatalaga ng isang Kumite ng mga tao, na nagiging pang-ehekutibong sangay ng pamahalaang panlalawigan. Ang ayos na ito ay isang payak na uri ng katayuan ng pambansang pamahalaan ng Vietnam. Ang pamahalaang panlalawigan ay inaasahang sumailalim sa pamahalaang sentral.

Kagawaran ng mga Tao

baguhin

Ang bawat Kagawaran ng Tao ay may tumatayong kumite na binubuo ng isang Tagapangasiwa at ng kanyang mga deputies, na inihahalal mula sa mga kinatawan ng Kagawaran. Ang tumatayong kumite ay may karampatang mga tungkulin, kabilang na ang pagkatawan sa Kagawaran ng mga tao kung wala ito sa sesyon. Mayroon din ilang mga kumite ang itinatag upang ayusin ang mga espesipikong mga usapin. Ang lahat ng mga lalawigan ay may isang Kumite sa Ekonomiya at Pagba-badyet, isang Kumiteng Panlipunan at Kultura, at isang Kumiteng Legal. Kung ang isang lalawigan ay may naninirahang hindi katutubong Vietnamese, mayroon din marahil isang Kumite ukol sa Ugnayang Etniko.

Kumite ng mga Tao

baguhin

Ang Kumite ng mga Tao ay, tulad ng nabanggit kanina, ay ang ehekutibong sangay ng pamahalaang panlalawigan, at may pananagutan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga alituntunin. Ito ay maaaring katumbas ng gabinete. Ang Kumute ng mga Tao ay dapat may isang Pangulo at isang Pangalawang Pangulo, at may kasaping nasa pagitan ng siyam at labing isa.

Talaan at Estadistika

baguhin

Ang pinakamataong mataas na antas na yunit administratibo ng Vietnam ay ang Lungsod ng Hồ Chi Minh, isa sa limang munisipalidad. Ito ay may lagpas limang milyong katao na naninirahan sa opisyal na hangganan. Ang ikalawang pinakamataong yunit administratibo, at ang pinakamataong lalawigan, ay ang Thanh Hóa, na may lagpas tatlo't kalahating milyong katao. Ang pinakaunti ay ang Lai Châu, isang lalawigang bulubundukin sa isang liblib na lugar sa hilagang kanlura.

Kung ang pag-uusapan ay ang sukat ng lupa, ang pinakamalaking lalawigan ay ang Nghệ An. ANg pinakamaliit naman ay ang lalawigan ng Bắc Ninh.

Lalawigan Kabisera Populasyon Sukat
An Giang Long Xuyên 2,099,400 3,406 km²
Bắc Giang Bắc Giang 1,522,000 3,822 km²
Bắc Kạn Bắc Kạn 283,000 4,795 km²
Bạc Liêu Bạc Liêu 756,800 2,521 km²
Bắc Ninh Bắc Ninh 957,700 804 km²
Ba Ria-Vung Tau Vung Tau 839,000 1,975 km²
Ben Tre Ben Tre 1,308,200 2,287 km²
Binh Dinh Qui Nhon 1,481,000 6,076 km²
Binh Duong Thu Dau Mot 768,100 2,696 km²
Binh Phuoc Dong Xoai 708,100 6,856 km²
Binh Thuan Phan Thiet 1,079,700 7,828 km²
Ca Mau Ca Mau 1,158,000 5,192 km²
Can Tho (munisipalidad) 1,112,000 1,390 km²
Cao Bang Cao Bang 501,800 6,691 km²
Da Nang (munisipalidad) 715,000 1,256 km²
Dak Lak Buon Ma Thuot 1,667,000 13,062 km²
Dak Nong Gia Nghia 363,000 6,514 km²
Dien Bien Dien Bien Phu 440,300 8,544 km²
Dong Nai Bien Hoa 2,067,200 5,895 km²
Dong Thap Cao Lanh 1,592,600 3,238 km²
Gia Lai PleiKu 1,048,000 15,496 km²
Ha Giang Ha Giang 625,700 7,884 km²
Ha Nam Phu Ly 800,400 849 km²
Ha Noi (munisipalidad) 2,154,900 921 km²
Ha Tay Ha Dong 2,432,000 2,192 km²
Ha Tinh Ha Tinh 1,284,900 6,056 km²
Hai Duong Hai Duong 1,670,800 1,648 km²
Hai Phong (munisipalidad) 1,711,100 1,503 km²
Hau Giang Vi Thanh 766,000 1,608 km²
Ho Chi Minh (munisipalidad) 5,378,100 2,095 km²
Hoa Binh Hoa Binh 774,100 4,663 km²
Hung Yen Hung Yen 1,091,000 928 km²
Khanh Hoa Nha Trang 1,066,300 5,197 km²
Kien Giang Rach Gia 1,542,800 6,269 km²
Kon Tum Kon Tum 330,700 9,615 km²
Lai Chau Lai Chau 227,600 7,365 km²
Lam Dong Da Lat 1,049,900 9,765 km²
Lang Son Lang Son 715,300 8,305 km²
Lao Cai Lao Cai 616,500 8,057 km²
Long An Tan An 1,384,000 4,492 km²
Nam Dinh Nam Dinh 1,916,400 1,637 km²
Nghe An Vinh 2,913,600 16,487 km²
Ninh Binh Ninh Binh 891,800 1,382 km²
Ninh Thuan Phan Rang - Tháp Chàm 531,700 3,360 km²
Phu Tho Viet Tri 1,288,400 3,519 km²
Phu Yen Tuy Hoa 811,400 5,045 km²
Quang Binh Dong Hoi 812,600 8,025 km²
Quang Nam Tam Ky 1,402,700 10,408 km²
Quang Ngai Quang Ngai 1,206,400 5,135 km²
Quang Ninh Ha Long 1,029,900 5,899 km²
Quang Tri Dong Ha 588,600 4,746 km²
Soc Trang Soc Trang 1,213,400 3,223 km²
Son La Son La 922,200 14,055 km²
Tay Ninh Tay Ninh 989,800 4,028 km²
Thai Binh Thai Binh 1,814,700 1,542 km²
Thai Nguyen Thai Nguyen 1.046.000 3.563 km²
Thanh Hoa Thanh Hoa 3,509,600 11,106 km²
Thua Thien-Hue Hue 1,078,900 5,009 km²
Tien Giang My Tho 1,635,700 2,367 km²
Tra Vinh Tra Vinh 989,000 2,226 km²
Tuyen Quang Tuyen Quang 692,500 5,868 km²
Vinh Long Vinh Long 1,023,400 1,475 km²
Vinh Phuc Vinh Yen 1,115,700 1,371 km²
Yen Bai Yen Bai 699,900 6,883 km²

Mga Rehiyon

baguhin
 

Kadalasan, ang pamahalaang Vietnamese ay pinapangkat ang mga lalawigan na ito sa walong mga rehiyon: ang Hilagang Kanluran, Hilagang Silangang, Red River Delta, Ang Baybayin ng Gitnang Hilaga, Gitnang Kabundukan, Timog Silangan, at ang Mekong River Delta. Ang mga rehiyon na ito ay hindi kadalasang ginagamit.

Ang Hilagang Kanluran (Tay Bac) ay kinapalolooban ng apat na mga lalawigan sa kanlurang hilagang bahagi ng Vietnam. Ang dalawa dito ay nasa pagitan ng hangganan ng Laos at ang isa naman ay naghahanggan sa Tsina.

Ang Northeast (Dong Bac) ay kinapaloloobanng labing isang mga lalawigan na nasa hilaga ng mataong kapatagan ng Red River. Karamihan sa mga lalawigan nito ay bulubundukin.

Ang Wawa ng Ilog Pula (Dong Bang Song Hong) ay kinapalooban ng maliliit na subalit matataong mga lalawigan na matatagpuan sa palibot ng Ilog Pula. Mayroong siyam na lalawigan sa rehiyon. Kinabibilangan din nito ang pambansang kabisera, Hanoi. at ang munisipalidad ng Haiphong; parehong malaya mula sa mga pamahalaang panlalawigan.

Ang Gitnang Hilagang Baybayin (Bac Trung Bo) ay kinapalolooban ng anim na mga lalawigan sa makipot na hilagang bahagi ng Vietnam. Ang lahat ng mga lalawigan sa rehiyon ay naghahanggan mula sa baybayin sa silanga patungong hangganan ng Laos sa kanluran.

Ang Timog Gitnang Baybayin (Nam Trung Bo) ay kinapalolooban ng gitnang mga baybaying lalawigan sa gitnang timog na bahagi ng Vietnam. Ang bahaging ito ay mas malawak kaysa sa rehiyon ng Gitnang Hilagang Baybayin. Ang rehiyon ay kinapalolooban ng malayang munisipalidad ng Danang.

Ang Gitnang Kabundukan (Tay Nguyen) ay kinapalolooban ng ng limang mga lalawigan sa gitnang timog ng Vietnam. Karamihan sa mga rehiyon dito ay mabundok. Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga katutubo.

Ang Timog Silangan (Dong Nam Bo) ay kinapalolooban ng bahaging kapatagan ng Vietnam na nasa hilaga ng Mekong Delta. mayroong pitong lalawigan dito, kasama pa ang mga munisipalidad ng Lungsod ng Ho Chi Minh.

Ang Wawa ng Ilog Mekong (Dong Bang Song Cuu Long) ay ang pinakatimog na rehiyon, na karamihan ay kinapapalooban ng maliliit subalit maraming taong mga lalawigan sa wawa ng Ilog Mekong. Mayroong labindalawang lalawigan dito, kasama pa ang munisipalidad ng Can Tho.

Mga Kawing Panlabas

baguhin