Mga orden, dekorasyon at mga medalya ng Pilipinas

Ang mga orden at mga dekorasyon na ipinagkaloob sa mga sibilyan at mga tauhan ng militar sa Republika ng Pilipinas, ay nakalista sa pamamagitan ng pagkakasunud-sunod ng karapatan sa pangunguna. Ang unang listahan ay ng mga parangal ng sibilyan, na nangunguna sa mga parangal ng militar. Ang susunod na listahan ay ng mga parangal na ipinagkaloob sa militar o dating mga yunit ng militar. Ang mga sibilyang orden at dekorasyon ng Pilipinas ay ipinagkaloob ng Pangulo ng Pilipinas, sa kanyang katungkulan bilang pinuno ng estado. Sa ilang pagkakataon, ang paggawad ng ilang orden at dekorasyon ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng Kongreso ng Pilipinas.

Mga Dekorasyong Pansibilyan

baguhin

Ang pansibilyan na karapatan sa pangunguna, na itinalaga ng Kodigo ng Pagpaparangal ng Pilipinas (EO Blg. 236) ay ang mga sumusunod:

Ranggo ng Unang Klase
 
Ang pinakamataas na karangalan para sa isang sibilyan, ang Krus ng Paglilingkod ni Quezon
Ranggo ng Ikalawang Klase
  •   Orden ni Lakandula
  •   Orden ni Sikatuna
  •   Lehiyong Pandangal ng Pilipinas
Ranggo ng Ikatlong Klase
  •  Orden ni Gabriela Silang
Ranggo ng Ikaapat na Klase
Ranggo ng Ikalimang Klase
  •   Gawad Mabini
 
Ang Lehiyong Pandangal ng Pilipinas
Ranggo ng Ikaanim na Klase
  •   Orden ng Gintong Puso
Ranggo ng Ikapitong Klase
  •   Pampanguluhang Medalya ng Kahusayan

Ibig sabihin, ang Krus ng Serbisyo ni Quezon, halimbawa, ay ang pinakamataas; na sinundan ng mga Orden ni Lakandula, Sikatuna at ng Lehiyon ng Karangalan (Pilipinas), lahat ay nabibilang sa parehong ranggo, na mas mataas naman sa Orden ni Gabriela Silang, atbp.

Ang Pilipinas ay isang natatanging halimbawa ng pagkakaroon ng mga orden at dekorasyon na magkakapantay ang ranggo, ito ay sumasalamin sa mga kalagayan na lumiligid sa pagkakatatag ng ibang mga parangal.

Kasama ang mga Pang-estadong parangal na nabanggit sa itaas, itinatag ng Republika ng Pilipinas ang nag-iisang orden ng pagka-kabalyero sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 646 bilang pagpaparangal sa mga hangad at mga ideya ng pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal. Ito ay ang Orden ng mga Kabalyero ni Rizal. Ito ay nasa pinakamababang ranggo ng mga orden ng kahusayan sa Pilipinas

Mga parangal at dekorasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

baguhin

Ito ang mga dekorasyong panghukbo na kumikilala sa paglilingkod pati na sa mga katuparang naisasagawa ng mga miyembro o mga yunit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Hukbong Katihan, Hukbong Himpapawid, Hukbong Dagat at Hukbong Kawal Pandagat)

Dekorasyon para sa mga Tauhan ng Militar
  •   Medalya ng Kagitingan
  •   Natatanging Bituin para sa Kabayanihan
  •   Natatanging Bituin para sa Katapatan sa Paglilingkod
  •   Medalya ng Gintong Krus
  •   Lehiyong Pandangal ng Pilipinas
  •   Medalya ng Katangi-tanging Gawa
  • Gawad sa Kaunlaran
  • Natatanging Krus ng Abyasyon
  • Medalya ng Tansong Krus
  •   Medalya ng Panghukbong Kahusayan
  • Medalya ng Pakpak na Pilak
  • Medalya ng Panghukbong Komendasyon
  • Medalya ng Tauhang Sugatan
  • Medalyang Pangmilitar sa mga Gawaing Pansibiko
  •   Kapanalig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
  • Medalya ng Pag-uugali sa Sandatahang Lakas
  • Sagisag ng Ulirang Kawal
  • Taunang Parangal para sa Kahusayan ng Sasakyang Dagat
Dekorasyon para sa mga Tauhang Silbilyan at Para-militar
Dekorasyon para sa Pagtatanggol-Sibil
  •   Natatanging Medalya ng Karangalan
  •   Nakatataas na Medalya ng Karangalan
  •   Medalya para sa Kahusayang Pansibilyan
Dekorasyon para sa mga Yunit Militar
  •   Tsapa ng Pagkilala para sa Yunit Pampangulo ng Republika ng Pilipinas
  •   Pagkilala para sa Yunit ng Batas Militar
  •   Pagkilala para sa Yunit ng Lakas Sambayanan I
  •   Pagkilala para sa Yunit ng Lakas Sambayanan II
Dekorasyon para sa mga Yunit Sibilyan at Para-militar
  •   Tsapa ng Pagkilala para sa Yunit Pampangulo't Pambaranggay
Medalya't Laso para sa Paglilingkod sa Militar
  •   Medalya para sa Mahabang Paglilingkod
  •   Amerikanong Medalya't Laso para sa Pagtatanggol
  •   Medalya't Laso para sa Kampanyang Asiatiko-Pasipiko
  •   Medalya't Laso para sa Tagumpay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  •   Medalya't Laso para sa Pagtatanggol sa Pilipinas
  •   Medalya't Laso para sa Pagpapalaya sa Pilipinas
  •   Medalya para sa Kilusang sa Paglaban
  •   Medalya't Laso para sa Kampanya sa Jolo
  •   Medalya ng Kalayaan ng Pilipinas
  •   Medalya't Laso para sa Kampanya ng Paglaban sa Manliligalig
  •   Medalya't Laso para sa Kampanya ng Paglaban sa Manliligalig para sa Luzon
  •   Medalya't Laso para sa Kampanya ng Paglaban sa Manliligalig para sa Visayas
  •   Medalya't Laso para sa Kampanya ng Paglaban sa Manliligalig para sa Mindanao
  •   Medalyang Pilipino para sa Kampanya sa Korea
  •   Medalya't Laso para sa Paglilingkod sa Nagkakaisang Bansa
  •   Medalya't Laso para sa Paglilingkod sa Viet Nam
  •   Laso para sa Pagsasaayos at Paglulunas sa Sakuna

Mga parangal at dekorasyon ng mga Katulong ng Tanod Baybayin ng Pilipinas

baguhin

Upang makilala ang mga pansarili at pangyunit na katuparan ng mga miyembro nito, inilatag ng mga Katulong ng Tanod Baybayin ng Pilipinas, na may paggabay ng TBP, ang sarili nitong sistema ng mga parangal at dekorasyon.

Dekorasyon para sa mga Tauhan
  • KTBP Medalya para sa Namumukod-tanging Katuparan
  • KTBP Medalya para sa Natatanging Paglilingkod
  • KTBP Medalya para sa Kagalingan
  • KTBP Medalya para sa Paghahanap at Pagsagip
  • KTBP Medalya ng Papuri
  • KTBP Medalya para sa Gawaing Pansibiko
  • KTBP Medalya para sa Pulang Krus
  • KTBP Medalya para sa Mabuting Pag-uugali
Mga Medalya't Laso para sa Paglilingkod
  • KTBP Medalya para sa Mahabang Paglilingkod
  • KTBP Medalya para sa Kampanya laban sa Polusyon sa Dagat
  • KTBP Medalya para sa Pagsasaayos at Paglulunas sa Sakuna
  • KTBP Medalya para sa Pambansang Pagtitipon
  • KTBP Medalya para sa Pandaigdigang Pagtitipon
  •   KTBP Medalya para sa World Clean-Up Day
Dekorasyon para sa mga Yunit

Mga parangal at dekorasyon ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas

baguhin

Kinikilala ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang sari-sariling kasanayan, katapangan sa harap ng kalaban, at mga kahusayan ng mga tauhan nito sa pamamagitan ng paggawad ng mga dekorasyon at medalya.

Ang mga parangal at dekorasyon ng PPP ay alinsunod sa mga orden at medalya ng SLP dahil ang mga pinanggalingan nitong mga kagawaran, ang Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at ng Pinagsamang Pulisyang Pambansa ny napapasailaliman ng SLP noon.

Ang mga parangal na iginawad, at ang mga may hawak nito, noon bago pagsamahin ang HPP at PPP ay kinikilala pa rin ng Pambansang Pulisya.

Pansariling Dekorasyon ng mga Tagapagpatupad ng Batas
  •   Medalya ng Kagitingan
  •   Medalya ng Kabayanihan
  •   Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod
  •   Medalya ng Katapangan
  •   Medalya ng Katangitanging Gawa)
  • Medalya ng Pambihirang Paglilingkod
  • Medalya ng Kadakilaan
  •   Medalya ng Katangi-tanging Asal
  • Medalya ng Kagalingan
  • Medalya ng Kasanayan
  • Medalya ng Papuri
  • Medalya ng Sugatang Magiting
  • Medalya ng Ugnayang Pampulisya
  • Medalya ng Mabuting Asal
  •   Medalya ng Paglilingkod
Dekorasyon para sa mga Yunit Tagapagpatupad ng Batas
  •   Tsapa ng Pagkilala para sa Yunit Pampangulo ng Republika ng Pilipinas
  •   Pagkilala para sa Yunit ng Batas Militar
  •   Pagkilala para sa Yunit ng Lakas Sambayanan I
  •   Pagkilala para sa Yunit ng Lakas Sambayanan II
Medalya't Laso para sa Paglilingkod para sa Pagpapatupad ng Batas
  • Medalya ng Paglaban sa Manliligalig
  • Medalya ng Pagtulong sa Nasalanta
  • Medalya ng Paglilingkod sa Luzon
  • Medalya ng Paglilingkod sa Visayas
  • Medalya ng Paglilingkod sa Mindanao
  • Medalya ng Kagalingan
  • Medalya ng Papuri
Dekorasyon para sa mga Tanod-Bansa
  • Medalya ng Kagitingan ng mga Tanod-Bansa
  •   Natatanging Bituin para sa Kabayanihan
  •   Natatanging Bituin para sa Katapatan sa Paglilingkod
Medalya't Laso para sa Paglilingkod ng mga Tanod-Bansa
  •   Medalya para sa Mahabang Paglilingkod
  • Medalya para sa Kampanya sa Luzon
  • Medalya para sa Kampanya sa Visayas
  • Medalya para sa Kampanya sa Mindanao at Sulu
  •   Medalya ng Tanod-Bayan sa Tagumpay sa Unang Digmaang Pandaigdig
  •   Medalya ng Pambansang Guwardiya sa Tagumpay sa Unang Digmaang Pandaigdig

Mga Parangal at Dekorasyon ng Kawanihan ng Pamamahala ng Kulungan at Penolohiya

baguhin

Matapos ang pagkakalathala ng Batas para sa PPP 1991, inilipat sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang kontrol sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Kawanihan ng Pamamahala ng Kulungan at Penolohiya at ng Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog mula sa Sandatahang Lakas. Itinatag ng KPKP ang sarili nitong sistema ng mga parangal at dekorasyon.

  • Medalya ng Kagitingan
  • Medalya ng Kabayanihan
  • Medalya ng Kagalingan
  • Medalya ng Natatanging Gawa
  • Medalya ng Kadakilaan
  • Medalya ng Sugatang Magiting
  • Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod
  • Medalya ng Katapatan
  • Medalya ng Kasanayan
  • Medalya ng Papuri
  • Medalya ng Paglilingkod
  • Medalya ng Pambihirang Paglilingkod
  • Medalya ng Katangi-tanging Asal
  • Medalya ng Ugnayang Pangkumunidad
  • Medalya ng Mabuting Asal
  • Medalya ng Paglilingkod sa Luzon
  • Medalya ng Paglilingkod sa Visayas
  • Medalya ng Paglilingkod sa Mindanao
  • Laso ng Natatanging Yunit
  • Laso ng Tagapagsanay
  • Laso ng Pagtulong sa Nasalanta

Mga orden at parangal na hindi na ginagamit

baguhin

Ang konsolidasyon ng Sistema ng Pagpaparangal sa Pilipinas noong 2003 ay nagbunga ng paghinto sa pagbibigay ng marami-raming parangal. Ang mga parangal na ito ay mananatili habang buhay ang huling pinagkalooban ng nito, at matatamasa pa rin ang mga pribilehiyo't karapatan kaloob nito. Sa pagkamatay ng pinakahuling nabubuhay na tagatanggap ay mahihinto na ang nasabing parangal at hindi na magagamit muli.

  • Medalya ng Karangalan
  • Palaspas ng mga Unibersidad ni Rizal
  • Medalya ng mga Guro ni Mabini
  • Karangalang Pro Patria ni Rizal
  • Pagkilala ng Pangulo para sa Katapatan at Integridad
  • Orden ng Nagdadalamhating Puso
  • Pampanguluhang Parangal sa Edukasyon
  • Orden ni Kalantiao
  • Parangal para sa Kulturang Pamana ng Republika
  • Pagkilala ng Pangulo para sa Natatanging Makataong Paglilingkod
  • Pandaigdigang Alagad ng Sining
  • Bayani ng Bagong Republika
  • Pagkilala ng Pangulo para sa Natatanging Paglilingkod para sa Demokrasyang Pilipino
  • Pampanguluhang Parangal para sa Kabayanihan sa Panahon ng Sakuna
  • Pampanguluhang Parangal ng Sajid Bulig para sa Kabayanihan
  • Pampanguluhang Parangal para sa Industriyang Mineral at Kapaligiran

Tignan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin

Panlabas na Kawing

baguhin
  • Amending the Honors Code to clarify the proclamation of National Artists Naka-arkibo 2005-11-27 sa Wayback Machine.
  • Administrative Order No. 128, approving Implementing Rules and Regulations Naka-arkibo 2005-02-13 sa Wayback Machine.
  • Republic Act 646
  • "Implementing Rules and Regulations Implementing Rules and Regulations of Executive Order 236" (PDF). Government of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 12 Oktubre 2016. Nakuha noong 22 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • "AFP Awards & Decorations" (PDF). Philippine Air Force. Nakuha noong 23 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)