Krus ng Serbisyo ni Quezon

Ang Krus ng Serbisyo ni Quezon[1] (Ingles: Quezon Service Cross) ay ang pinakamataas na pambansang pagkilala ng Republika ng Pilipinas. Iginawad ito sa aanim na Pilipino pa lamang mula nang ito ay likhain noong 1946.[2]

Larawang-Guhit ng Krus ng Serbisyo ni Quezon, ang pinakamataas na pambansang parangal ng Pilipnas.

Kasaysayan

baguhin

Nilikha ang gawad ng Magkasamang Kapasyahan Blg. 4, may petsang Oktubre 21, 1946 ng Unang Kongreso ng Pilipinas. May tibay ng isang batas ang isang magkasamang kapasyahan ng Kongreso ng Pilipinas. Ang Krus ng Serbisyo ni Quezon ay isang parangal na iginagawad ng Pangulo ng Pilipinas na may pagsang-ayon ng Kongreso ng Pilipinas sa mga mamamayang Pilipino na "nagsagawa ng paglilingkod sa bansa na sa gayong paraan at antas ay nakapagdagdag ng karangalan para sa Republika ng Pilipinas, o upang mag-ambag sa pangmatagalang pakinabang ng kaniyang mamamayan."

Ang pagmumungkahi ng mga kandidato para sa Krus ng Serbisyo ni Quezon ay nangangailangan ng pagsasaad ng mga paglilingkod na naisagawa na karapat-dapat na parangalan at isinasagawa lamang kapag ang paglilingkod na naisagawa o naiambag ay maaaring masukat sa sukat na itinatag sa pamamagitan ng kung ano ang mga tuntunin ng pinagsamang resolusyon "ang pakinabang" ng namayapang si Pangulong Manuel L. Quezon, kung saan hinango ang ngalan ng dekorasyon.

Ang Krus ng Serbisyo ni Quezon ay iminungkahi ni Dating Pangulong Manuel A. Roxas. Natatawag din itong Pangkongresong Krus ng Serbisyo ni Quezon, dahil ang paggawad nito ay nangangailangan ng pag-apruba ng Kongreso ng Pilipinas, at minsan lamang kung igawad.

 
Balangkas ng Krus ng Serbisyo ni Quezon

Naparangalan

baguhin

Aanim na Pilipino pa lamang ang naparangalan nito, ito'y sina:[3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Executive Order No. 236, s. 2003. "Establishing the Honors Code of the Philippines to Create an Order of Precedence of Honors Conferred and For Other Purposes". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-08. Nakuha noong 28 Nobyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Quezon Service Cross, Official Gazette (Philippines), inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-29, nakuha noong 2012-08-18{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "'Ninoy' posthumously conferred the Quezon Service Cross". Office of the President. 2004-08-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-10-31. Nakuha noong 2009-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Robredo to receive highest PHL award 100 days after death". GMA News and Public Affairs. Nobyembre 24, 2012. Nakuha noong Nobyembre 25, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Speech of President Aquino during the conferment of the Quezon Service Cross on Jesse Robredo, November 26, 2012". Official Gazette. Office of the President of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Marso 2013. Nakuha noong 2 Hunyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)