Mga pagguho sa Salang noong 2010

Ang Mga pagguho sa Salang noong 2010 ay serye ng mga pagguho na naganap noong Pebrero 8, 2010. Sanhi ito ng malakas na bagyo sa bulubundukin ng Hindu Kush na matatagpuan sa Apganistan. Hindi bababa sa 157 katao ang namatay dahil sa mga pagguho.[1][2][3][4]

Mga pagguho

baguhin
 
Mga silang sa Apganistan

Malakas na hangin at pag-ulan sa lugar bago ang insedente ang siyang nagbunsod sa pagkakaroon ng 17 pagguho na nagbaon sa mahigit dalawang milya ng kalsada sa Lagusan ng Salang kung saan nakulong ang libo-libong mga tao sa kanilang mga sasakyan na dumaraan sa lagusan, at ng pagkakaputol ng pangunahing daanan sa Hilagang Apganistan. Naiulat ng mga opisyal matapos ang pagguho na 64 katao ang pinangangambahang patay at marami pa ang maaaring mamatay. Sinabi ng ministrong panloob Mohammad Hanif Atmar na mahigit 24 na katawan ang nahukay at 128 sugatang tao pa ang nailigtas. Paniwala ng mga nagliligtas na maaaring mahigit pa sa 2,500 katao ang nakulong sa kanilang mga sasakyan.[5]

Ang Pambangsang Hukbo ng Apganistan ang bumubuo sa pangunahing grupo ng pagliligtas kung saan limangdaang hukbo ang pinadala na sa lugar gayundin ang dalawang helikopter at ilang buldoser. Nagbigay rin ng tulong ang mga hukbo ng NATO as paglalaan ng apat na Chinook helikopter, gayundin ng mga helikopter na magdadala ng mga pagkain at gamit medikal sa mga nakulong sa kani-kanilang mga sasakyan, samantalang ang mga nasugatan ay dinala sa Pagamutan ng Charikar sa Lalawigan ng Parwan. Subalit ang mga malubhang nasugatan ay dinala sa Bagram air base kung saan sila malalapatan ng mas maayos na lunas mula sa mga doktor ng koalisyon.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Officials: Afghan avalanches kill 157 people". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-13. Nakuha noong 2010-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rod Norland (2010-02-09). "Avalanches Kill Dozens on Mountain Highway in Afghanistan". New York Times. Nakuha noong 2010-02-10. Heavy winds and rain set off 17 avalanches that buried more than two miles of highway at a high-altitude pass in the Hindu Kush mountain range, entombing hundreds of cars and cutting off Kabul's heavily traveled link to northern Afghanistan, officials said Tuesday.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rahim Faiez (2010-02-09). "Avalanches swamp Afghan pass: Scores of bodies pulled from cars as coalition joins search for injured". Toronto Star. Nakuha noong 2010-02-10. A series of avalanches engulfed a mountain pass in Afghanistan, trapping hundreds of people in their buried cars and killing at least 24 people, authorities said Tuesday.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ahmed Hanayesh, Ron Synovitz (2010-02-10). "From Afghan Avalanche, Tales Of Tragedy And Survival". Radio Free Europe. Nakuha noong 2010-02-10. By the evening of February 10, authorities had recovered the bodies of more than 160 victims buried by a series of avalanches. The stories told to RFE/RL by survivors suggest the death toll could rise as search teams continue their work -- and when the spring thaw reveals the full extent of the tragedy. The first avalanche blocked the highway just south of the Salang Tunnel. As the traffic began to pile up, travelers in cars, trucks, and buses found themselves trapped in a deadly avalanche zone. Then, one after another, as many as 16 more avalanches wiped their vehicles off the road.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Avalanches Kill Dozens on Mountain Highway in Afghanistan
  6. Officials: Afghan avalanches may have killed over 60

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Afghanistan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.