Michael Bush (ipinanganak noong 16 Hunyo 1984 sa Louisville, Kentucky) ay isang Amerikanong manlalaro ng football at running back player ng Oakland Raiders. Siya ay nag-aral ng kolehiyo sa University of Louisville. Siya ay may taas na 6 na talampakan at 1.375 pulgada at may timbang na 243 libras.

Michael Bush
Kapanganakan16 Hunyo 1984
  • (Jefferson County, Kentucky, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomanlalaro ng Amerikanong putbol

High school

baguhin

Si Bush ay nag-aral sa Male High School sa Louisville kung saan siya ay naglaro bilang isang quarterback noong siya ay senior matapos maglaro bilang defensive back, defensive end, linebacker, running back, safety at wide receiver sa kanyang football career. Bilang isang senior player, pinangunahan niya ang Bulldogs sa state championship game ng Kentucky’s highest class. Sa tagisan ng laro sa napipinto niyang kasamahan sa kuponan ng UofLna si Brian Brohm na naglalaro noon sa Trinity Shamrocks, si Bush ay nagpasa ng 468 yards at anim na TD’s at lumaro ng 116 yards at isa pang TD sa 59–56 na pagkatalo. Ang naturang laro ay itinuring na isa sa pinakamahusay na laro sa high school.

University of Louisville

baguhin

2005, ang junior year ni Bush sa Louisville, ay isang malaking pagkakataon para sa kanya nang siya ay nagtala ng 1143 yards sa 205 carries na may promediyo o average na 5.6 yards kada carry, nagpuntos ng 23 rushing touchdowns at nanguna sa scoring sa NCAA Division 1-A. Siya rin ay kinonsidera na isang pre season candidate para sa 2006 Heisman Trophy.

Si Bush ay nagsimula noong 2006 bilang isa sa sampung pangunahing manlalaro para sa 2007 NFL Draft. Ang 2006 season ay naging matagumpay para sa kanya. Ang kanyang unang carry ng season ay 48-yard run para sa touchdown sa taunang laro sa pagitan ng magkaribal na Cardinal at Kentucky. Muli siyang nagtala ng puntos na 2 touchdowns sa unang bahagi ng laro at nakapagtala rin ng 128 yards hanggang sa siya ay nagkaroon ng injury. Sa panimula ng third quarter, habang si Bush ay mahigpit na pinipigilan ng Kentucky linebacker na si Wesley Woodyard, siya ay nagtamo ng broken right tibia na naging dahilan upang hindi siya makapaglaro sa nalalabing laban ng 2006 season.

Professional career

baguhin

Oakland Raiders

baguhin

Si Michael Bush ay napili sa round 4, pick 1 ng Oakland Raiders sa 2007 NFL Draft. Sa kasalukuyan si Bush ay nakatala sa Physically Unable to Perform list dahil na rin sa pinsalang kanyang natamo na tumapos ng kanyang college career.

baguhin