Michael Fajatin
Si Michael Fajatin ay isang taga-ulat ng balita sa telebisyon sa Pilipinas. Lumabas siya sa mga programa ng GMA Network ng halos dalawang dekada at nagbitiw bilang taga-ulat noong Nobyembre 2015.[1] Bukod sa pag-uulat ng balita, naging punong-abala (host) siya sa programang Kape at Balita na pinalabas sa GMA News TV.[2] Sa programang iyon, nanomina siya at ang kanyang mga kasamang sina Susan Enriquez, Joel Reyes Zobel, Mariz Umali at Valerie Tan bilang mga Magagaling na Punong-abala ng isang Pang-umagang Programa ng Star Awards para sa Telebisyon.[3] Ginawaran naman ng Pilak na Mundong Medalya ng New York Festivals World’s Best TV Programs and Film Awards noong 2011 sa kategoryang Natatanging Ulat ang segment o bahagi ng programa na "Biyaheng Totoo" na ipinabalabas sa loob ng 24 Oras, Balitanghali at Unang Hirit.[4] Isa si Fajatin sa mga taga-ulat ng "Biyaheng Totoo" na nag-ulat tungkol sa kalagayan sa Maguindanao.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Asis, Salve (4 Pebrero 2016). "Kuntento na sa pagiging artista Liza hindi interesadong maging Miss Universe!". Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong 1 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tomada, Nathalie (22 Oktubre 2012). "Mornings on GMA News TV get fresh start". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN nabs 139 nominations in Star Awards for TV". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 2013. Nakuha noong 1 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GMA-7 wins 3 World Medals at 2011 New York Festivals" (sa wikang Ingles). 19 Abril 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Abril 2011. Nakuha noong 1 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: Unknown parameter|newspape=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Biyaheng Totoo: Michael Fajatin reports from Maguindanao". GMA News (sa wikang Ingles). 9 Mayo 2010. Nakuha noong 1 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)