Si Jan Michael Joncas (ipinanganak noong 1951), kilala rin bilang J. Michael Joncas at Michael Joncas, ay isang Amerikanong pari, mangangaral ng pananampalataya, teologong pangliturhiya, at kompositor ng kontemporaryong mga tugtuging pangkatoliko. Pinakakilala sa mga awitin ni Jonca ang "On Eagles' Wings." Nakatanggap siya ng MA sa liturhiya mula sa Pamantasan ng Notre Dame noong 1978 at nag-aral din sa Panimulaang Pontipikong Liturhikal (Pontifical Liturgical Institute sa Ingles) ng Roma.[1] Naordinahan siya noong 1980, at nagtuturo sa Pamantasan ng Santo Tomas sa San Pablo, Minesota at sa Pamantasan ng Notre Dame.

Kumakatawan ang mga komposisyon ni Joncas sa mas bantog na estilo ng musikang lumitaw sa mga parokya ng mga Amerikanong Katoliko sa paggising ng Ikalawang Konsehong Batikano.

Musika sa kontemporaryong kalinangan

baguhin

Isa si Joncas sa maraming mga musikerong gumagawa ng komposisyong kaugnay ng kontemporaryong musikang liturhikal na pangkatoliko. Nagtamasa ng malawakang tagumpay sa kabuuan ng mundong nagsasalita ng wikang Ingles, bagaman nagkaroon din ng ilang bilang ng mga kontrobersiyang pumalibot sa kanyang tugtugin.

Tinugtog ang kanyang On Eagles' Wings sa maraming mga serbisyong pang-alaala ng 9/11, at inawit ng isang dating Miss America sa serbisyong pang-alaala para sa pagbomba ng gusaling pederal ng Lungsod ng Oklahoma noong 1995.[kailangan ng sanggunian] Malawakan din itong narinig noong piliin ito ni Michael Crawford bilang temang tugtugin para sa isa sa pinakanakikila niyang mga konsiyerto na lumaong ibinrodkast sa telebisyon at ipinagbili bilang mga kaset at mga CD.

Mga awitin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. J. Michael Joncas, talambuhay sa giamusic.com
  2. Take and Eat, BH Songsheet Service, GIA Publications, Inc., mondoymusic.com

Mga kawing panlabas

baguhin