Michel Bégon de la Picardière
Si Michel Bégon de la Picardière(21 Marso 1667 – 18 Enero 1747) ay isang Pranses na dalubhasa sa larangan ng botanika.[1] Ang kaniyang pangalan ang pinagmulan ng salitang begonya, isang pangalang pang-halaman. Galing si Bégon sa isang pamilyang Pranses na nakapagsilbi sa larangan ng mga batas at hukuman para sa Hari ng Pransiya. Ang pagkaka-kasal ng isang miyembro ng pamilyang Bégon kay Jean-Baptiste Colbert ang naging tulay upang magkaroon sila ng mga trabahong pang-hukbong-dagat at pang-pamamahalang kolonyal. Naglingkod si Michel Bégon bilang isang itendante ng Bagong Pransiya mula 1712 hanggang 1726. Sumunod sa kaniya si Claude-Thomas Dupuy.[2]
Michel Bégon | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Marso 1667
|
Kamatayan | 18 Enero 1747
|
Mamamayan | Pransiya |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ibinatay mula sa The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Edwin B. Williams (general editor [patnugot-panlahat]), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0553264966
- ↑ Talambuhay sa The Dictionary of Canadian Biography Online (Ang Talahulugan ng mga Talambuhay sa Canada)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.