Michel Djotodia
Si Michel Am-Nondokro Djotodia ay isang politiko at pinunong militar na Gitnang Aprikano na nagpahayag ng sarili bilang Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika magmula noong 24 Marso 2013, kasunod ng paggupo kay at paglisan ni Pangulong François Bozizé.[1] Siya ang naging pinuno ng koalisyong rebelde na Séléka noong Rebelyon noong Disyembre 2012; kasunod ng isang kasunduang pangkapayapaan, naitalaga siya sa pamahalaan bilang Unang Deputadong Punong Ministro para sa Pambansang Pagtatanggol noong Pebrero 2013.
Michel Djotodia | |
---|---|
Ika-5 Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika[1] | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 24 Marso 2013 | |
Punong Ministro | Nicolas Tiangaye |
Nakaraang sinundan | François Bozizé |
Deputadong Punong Ministro ng Republika ng Gitnang Aprika | |
Nasa puwesto 3 Pebrero 2013 – 24 Marso 2013 | |
Punong Ministro | Nicolas Tiangaye |
Personal na detalye | |
Isinilang | Michel Am-Nondokro Djotodia 1949? Vakaga, Oubangui-Chari (kasalukuyang Republika ng Gitnang Aprika) |
Partidong pampolitika | Unyon ng mga Puwersang Demokratiko para sa Pagkakaisa |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Djotodia sa bayan ng Vakaga. Naglingkod siya bilang Konsul sa Nyala.[2] na nasa lungsod ng Sudan. Naging pangulo siya ng Unyon ng Demokratikong mga Puwersa para sa Kaisahan[3] at ng Patriyotikong Grupo ng Aksiyon para sa Liberasyon ng Republika ng Gitnang Aprika noong panahon ng Bush War.
Nanirahan si Djotodia na malayo sa Gitnang Aprika roon sa Cotonou, Benin habang nagaganap ang digmaan. Pagdaka ay nadakip siya at ang kaniyang tagapagsalitang Abakar Sabon ng mga puwersang Benineso noong Nobyembre 20, 2007 na walang paglilitis ayon sa utos ng pamahalaang Bozizé.[4][5] Pinakawalan sila noong Pebrero 2008 pagkatapos na sumang-ayon na makilahok sa mga usapang pangkapayapaan ng pamahalaan ng Republika ng Gitnang Aprika.[6]
Noong Disyembre 2012, si Djotodia ang naging susing pinuno sa koalisyong rebelde na Séléka nang magtagumpay ito sa mabilis na pagkuha ng kontrol ng isang malaking bahagi ng bansa. Habang nagaganap ang usapang pangkapayapaan noong Enero 2013, pumayag si Pangulong Bozizé na magtalaga ng isang punong ministro na nagmula sa oposisyon at sa pagsasanib ng mga rebelde sa loob ng pamahalaan. Kasunod ng mga negosasyon, isang pambansang pamahalaang nagkakaisa, na pinamunuan ni Pinong Ministro Nicolas Tiangaye, ang naitalaga noong 3 Pebrero; na binubuo ng mga tagapagtangkilik ni Bozizé, ng oposisyon, at ng mga rebelde. Natanggap ni Djotodia ang susing posisyon o pangunahing puwesto bilang Unang Deputadong Punong Ministro para sa Pambansang Pagtatanggol.[7]
Natastas ang kasunduang pangkapayapaan noong Marso 2013, nang muling magpatuloy ang Séléka sa pagsakop ng mga bayan, na pinararatangan si Bozizé bilang hindi nakakatupad sa kaniyang mga pangako. Pinigilian ng mga rebelde ang kanilang limang mga ministro, kabilang sina Djotodia, na magpunta sa Bangui. Ayon kay Djotodia hindi siya ang gumawa ng kapasyahang ito, bagkus ay ang mga sundalong rebelde ang gumawa ng pagpapasya.[8]
Mga talababa
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Centrafrique: Michel Djotodia déclare être le nouveau président de la république centrafricaine" (sa wikang Pranses). Radio France International. 2013-03-24. Nakuha noong 2013-03-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fournier 2012.
- ↑ UN Integrated Regional Information Networks 2006.
- ↑ Debos 2008, p. 231.
- ↑ Mehler 2007, p. 209.
- ↑ Amnesty International 2009.
- ↑ "Centrafrique : Le gouvernement d'union nationale est formé" Naka-arkibo 2013-02-11 sa Wayback Machine., Xinhua, 4 Pebrero 2013 (sa Pranses).
- ↑ Hippolyte Marboua and Krista Larson, "Central African Republic rebels threaten new fight", Associated Press, 18 Marso 2013.
Mga sanggunian
baguhin- UN Integrated Regional Information Networks (2006-11-02). "Central African Republic: Rebels Call for Dialogue After Capturing Key Town". Bangui, CAR. Nakuha noong 2012-12-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Debos, Marielle (2008-04-01). "Fluid Loyalties in a Regional Crisis: Chadian 'Ex-Liberators' in the Central African Republic". African Affairs. 107 (427): 225–241. doi:10.2307/27667022. ISSN 0001-9909. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2012-12-29.
{{cite journal}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - Mehler, Andreas (2007-10-31). "V. Central Africa". Sa Melber, Henning; Walraven, Klaas (mga pat.). Africa Yearbook Volume 3: Politics, Economy and Society South of the Sahara In 2006. Brill. ISBN 9789004162631.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mehler, Andreas (2011-03-01). "Rebels and parties: the impact of armed insurgency on representation in the Central African Republic". The Journal of Modern African Studies. 49 (1): 115–139. doi:10.2307/23018880. ISSN 0022-278X. Nakuha noong 2012-12-29.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Fournier, Vincent (2012-12-24). "Duel entre François Bozizé et Michel Am Nondokro Djotodia, leader de Séléka". Jeune Afrique. p. 1. Nakuha noong 2012-12-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Sinundan: François Bozizé |
Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika 2013–kasalukuyan |
Kasalukuyan |