François Bozizé
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si François Bozizé Yangouvonda (ipinanganak noong 14 Oktubre 1946) ay isang politiko sa Republika ng Gitnang Aprika na naging Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika magmula 2003 hanggang 2013.
François Bozizé | |
---|---|
Ika-4 na Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika | |
Nasa puwesto 15 Marso 2003 – 24 Marso 2013 | |
Punong Ministro | Abel Goumba Célestin Gaombalet Élie Doté Faustin-Archange Touadéra Nicolas Tiangaye |
Pangalawang Pangulo | Abel Goumba |
Nakaraang sinundan | Ange-Félix Patassé |
Sinundan ni | Michel Djotodia |
Personal na detalye | |
Isinilang | François Bozizé Yangouvonda 14 Oktubre 1946 Mouila, Pranses na Aprikang Ekwatoryal (na ngayon ay kilala bilang Gabon) |
Partidong pampolitika | Independiyente |
Asawa | Monique Bozizé |
Umangat upang maging isang opisyal ng hukbong panlupa si Bozizé noong dekada ng 1970, sa ilalim ng rehimen ni Jean-Bédel Bokassa; pagkaraang mapaalis sa tungkulin si Bokassa, naglingkod si Bozizé sa pamahalaan bilang Ministro ng Panananggol magmula 1979 hanggang 1981, at bilang Ministro ng Impormasyon mula 1981 hanggang 1982. Nakilahok siya sa nabigong kudeta noong 1982 laban kay Pangulong André Kolingba at pagdaka ay lumisan mula sa bansa. Pagkalipas ng ilang mga tao, naglingkod siya bilang Hepe ng mga Tauhan ng Hukbong Panlupa sa ilalim ng Pangulong si Ange-Félix Patassé, subalit nagsimula siya ng isang panghihimagsik laban kay Patassé noong 2001.
Nadakip ng mga puwersa ni Bozizé ang Bangui noong Marso 2003, habang nasa labas ng bansa si Pangulong Ange-Félix Patassé, at nakuha ni Bozizé ang kapangyarihan, na naglunsad ng isang pamahalaan na nasa transisyunal na kapanahunan o nasa panahon ng pagpapalit mula sa isang pamahalaan papunta sa isang pamahalaan. Nanalo siya sa halalang pampangulo noong Marso–Mayo 2005 sa loob ng pangalawang ulit ng botohan, at muli siyang nahalal noong halalang pampangulo noong Enero 2011, na nagwagi sa boto sa unang ulit.
Noong Disyembre 2012, ang Republika ng Gitnang Aprika ay nalagay sa pag-aalsa (paghihimagsik) ng mga puwersang rebelde na humatol sa rehimen ni Bozizé bilang hindi gumagalang sa mga kasunduang pangkapayapaan pagkaraan ng tinatawag sa Ingles bilang ang Central African Republic Bush War noong 2007. Noong Marso 2013, nilisan ni Bozizé ang bansa papunta sa Demokratikong Republika ng Konggo pagkaraang lusubin ng mga puwersa ng mga rebelde ang kabiserang lungsod ng Bangui sa Republika ng Gitnang Aprika at tinabanan nila ang palasyong pampangulo sa Bangui.
Mga sanggunian
baguhin- Jean-Marc Aractingi, La Politique à mes trousses (Politics at my heels) ("Politika nasa sakong ko"), Editions l'Harmattan, Paris, 2006, Central Africa Chapter (ISBN 978-2-296-00469-6).
- Appiah, K. Anthony; Gates, Henry Louis, Jr., mga pat. (1999), Africana: The Encyclopedia of the African and African American Experience (ika-Una (na) edisyon), New York: Basic Books, ISBN 0-465-00071-1, OCLC 41649745
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link) - Kalck, Pierre (2005), Historical Dictionary of the Central African Republic (ika-Ika-3 nasa Ingles na (na) edisyon), Lanham, Maryland: The Scarecrow Press, ISBN 0-8108-4913-5
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mehler, Andreas (2005), "The Shaky Foundations, Adverse Circumstances, and Limited Achievements of Democratic Transition in the Central African Republic", sa Villalón, Leonardo Alfonso; VonDoepp, Peter (mga pat.), The Fate of Africa's Democratic Experiments: Elites and Institutions, Bloomington, Indiana: Indiana University Press, pp. 126–152, ISBN 0-253-34575-8, OCLC 57414663
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Titley, Brian (1997), Dark Age: The Political Odyssey of Emperor Bokassa, Montreal: McGill-Queen's University Press, ISBN 0-7735-1602-6
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tungkuling pampolitika | ||
---|---|---|
Sinundan: Ange-Félix Patassé |
Pangulo ng Republika ng Gitnang Aprika 2003–2013 |
Susunod: Michel Djotodia |