Mikhail Baryshnikov
Si Mikhail Nikolaevitch Baryshnikov (Ruso: Михаил Николаевич Барышников) (ipinanganak noong 27 Enero 1948) ay isang Rusong mananayaw, koreograpo, at aktor. Malimit siyang tinatawag na pinakadakilang nabubuhay na lalaking mananayaw ng ballet. Ayon sa manunuring si Clive Barnes, si Baryshnikov ang pinakaperpektong mananayaw na nakita niya.[1]. Habang naglalakbay sa Canada, kaugnay ng pagtatanghal sa piling Kirov Ballet, noong 1974, humingi ng asilong pampolitika si Baryshnikov sa Toronto. Naging mamamayang Amerikano siya noong 1986. Naging isa rin siya sa pinakamatatagumpay na mga mananayaw ng baley sa lahat ng kapanahunan. Nagwagi siya ng tatlong mga Parangal na Emmy.
Mikhail Baryshnikov | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Enero 1948
|
Mamamayan | Unyong Sobyet (27 Enero 1948–3 Hulyo 1986) Estados Unidos ng Amerika (3 Hulyo 1986–) Latvia (27 Abril 2017–) |
Trabaho | artista, koreograpo, mananayaw, artista sa telebisyon, artista sa pelikula |
Kinakasama | Jessica Lange (1976–1982) |
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.