Miles Routledge
Si Miles Routledge (isinilang sa taong 1999), kilala din bilang Lord Miles, ay isang magaaral sa kolehiyo at manlalakbay na nakilala sa mga serye ng birtuwal na talaarawan patungkol sa opensiba ng Taliban noong 2021 sa bansang Apganistan.
Miles Routledge | |
---|---|
Kapanganakan | 1999 (edad 24–25) |
Mamamayan | Reyno Unido |
Edukasyon | Kagawaran ng Pisika, Unibersidad ng Loughborough |
Kilala sa | paglalakbay sa Kabul, Apganistan sa kasagsagan ng opensiba ng Taliban noong 2021 |
Talambuhay
baguhinSi Routledge ay nag-aral sa kursong pisika sa Unibersidad ng Loughborough sa Reyno Unido. Sa taong 2021, siya ay naninirahan sa lungsod ng Birmingham sa Inglatera.[1] Siya'y naging interesado sa "pagpunta sa mga pinakamasamang lugar sa mundo" pagkatapos ng kanyang pagpunta sa Chernobyl noong 2019.[2]
Paglalakbay patungo at paglikas mula sa Apganistan
baguhinNoong Marso 2021, nagsimula ang kanyang plano na lumakbay sa Apganistan. Kasama sa kanyang paghahanda ang kanyang pagbitbit ng isang GPS tracker na may SOS button. Sinsasalaysay niya ang kanyang biyahe sa kanyang mga kasamahan gamit ang isang pahina sa Facebook at nagsulat siya ng isang awtomatikong mensahe upang ipaalam sa kanyang mga kaibigan na namatay siya sa kalagitnaan ng biyahe kung wala siya para pigilan ang paglalathala nito.[2]
Noong Agosto 13, dumating si Routledge sa Kabul, kabisera ng Apganistan mula sa bansang Turkey. Bagama't ang opensiba ng Taliban noong panahong iyon ay hinulaang hindi makakarating sa lungsod sa loob ng ilang buwan, inirerekomenda pa rin ng Tanggapang Panlabas, Sampamahalaan at Kaunlaran ng Reyno Unido na huwag pumunta sa nasabing lugar.[3]
Gayunpaman, noong Agosto 15, ang lungsod ng Kabul ay mabilis na sinakop ng puwersang Taliban. Gumamit si Routledge ng mga platapormang pangmadla gaya ng 4chan, Facebook, at Twitch upang ipahayag na siya ay "nasa alanganin." Ipinahayag din nito na "ang Pasuguan ng Reyno Unido sa Kabul ay hindi tumtuugon sa kanyang mga tawag sa telepono o e-mail, at handa siyang mamatay." Nang maglaon, nakahanap siya ng masilungan sa isang safe house. Noong Agosto 16, sinabi ng isang tagapagsalita para sa Ministro ng Tanggapang Panlabas, Sampamahalaan at Kaunlaran na sinusubukan nilang makipag-ugnayan kay Routledge upang bigyan siya ng tulong. Sa parehong araw, sinabi rin ni Routledge na inaasahan siya na umalis sa panahon ng isang emerhensiyang paglikas at maraming putok ng baril at tunog ng mga helicopter na lumilipad patungo sa paliparan sa lansangan.[4] Inilikas si Routledge noong Agosto 17, 2021 papuntang Dubai sakay ng isang eroplanong pang-transportasyon ng hukbong panghimpapawid ng Britanya.[1]
Paglalakbay sa Aprika
baguhinNoong Disyembre 2021, nagtungo si Routledge sa bansang Timog Sudan[5] at idinodokumento niya ang kanyang paglalakbay sa Twitter.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "UK student who travelled to Afghanistan for holiday evacuated" [Briton na magaaral na naglakbay sa Apganistan para sa bakasyon ay linikas] (sa wikang Ingles). BBC News. 2021-08-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-17. Nakuha noong 2021-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Stokel-Walker, Chris (2021-08-16). "A British 4channer went to Kabul for lulz. Now he's stuck there" [Isang Briton na 4channer ay pumunta sa Kabul para sa katuwaan. Ngayon siya'y naiipit doon.] (sa wikang Ingles). Input. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-16. Nakuha noong 2021-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Foreign travel advice: Afghanistan" [Payo sa paglalakbay sa ibang bansa: Apganistan]. Pamahalaan ng Reyno Unido (sa wikang Ingles). Agosto 6, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-06. Nakuha noong 2021-08-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hodge, Mark; Grealish, Sarah; Braddick, Imogen; The Sun (2021-08-16). "World of dark tourism where thrillseekers risk death in dangerous countries" [Mundo ng madilim na turismo kung saan ang mga thrillseeker ay may panganib ng kamatayan sa mga peligrosong bansa] (sa wikang Ingles). news.com.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-16. Nakuha noong 2021-08-16.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shaw, Danny (2021-12-15). "Student who was airlifted from Afghanistan goes on holiday to war-torn South Sudan" [Magaaral na inilipad mula sa Apganistan ay nagbakasyon sa Timog Sudan na napinsala ng digmaan] (sa wikang Ingles). The Tab. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-15. Nakuha noong 2021-12-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kindred, Alahna; Williams, Laura (2021-12-14). "Brummie student evacuated from Afghanistan now holed up in South Sudan" [Estudyanteng taga-Birmingham na inilikas mula sa Apganistan ay napadpad sa South Sudan] (sa wikang Ingles). Birmingham Live. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-14. Nakuha noong 2021-12-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)