MissingNo.
Ang MissingNo. (けつばん Ketsuban), kilala rin sa tawag na MissingNO,[1], ay isang pangalan o uri ng glitch Pokémon na makikita sa mga larong Pokémon Red at Blue at Pokémon Yellow. Ang MissingNo. ay isang Bird/Normal type glitch Pokémon sa Pokémon Red at Blue at Normal/999 type naman sa Pokémon Yellow. Dahil sa madali itong makita, isa ito sa mga glitch na Pokémon na pinaka kakilala. Nangyayari ito kapag sinubukan ng laro na buksan and datos para sa uri ng Pokémon na wala sa loob ng laro.
Ang manlalaro ay nakatagpo ng isang MissingNo. sa Pokémon Red. | |
Mga Serye | Pokémon series |
---|---|
Unang laro | Pokémon Red at Blue |
Katangian
baguhinAng MissingNo. ay isang Bird/Normal type glitch Pokémon sa Pokémon Red at Blue at Normal/999 type naman sa Pokémon Yellow. May lima itong anyo: Normal, Kabutops Fossil Form, Aerodactyl Fossil Form, Ghost Form at Yellow Form.[2] Ang iyak ng MissingNo. ay katulad lang ng isang iyak ng Nidoran♂. Gayunpaman may iba’t ibang iyak din ito katulad din ng iyak ng isang Rhydon. Sa mga nagsunod na henerasyon, merong mga bagong glitch na Pokémon ang mga nabubuo katulad ng “??????????”, “?” at “-----". Sa kabila nito, meron silang maliit na kaugnayan sa mga glitch Pokemon na nakita mga larong ito.
Kasaysayan
baguhinAng mga larong ito ay ginawa ng Game Freak at inithala naman ng Nintendo. Ang serye ng Pokémon ay nagsimula sa Hapon noong 1996. Ang manlalaro ay aakuin ang papel bilang isang Pokémon Trainer na ang layunin ay huliin at sanayin ang mga nilalang na ang tawag ay Pokémon. Ginagamit ng manlalaro ang mga abilidad ng mga Pokémon upang makipag-laban sa iba pang Pokémon[3][4], at iba sa mga abilidad ng mga ito ay nagbibigay ng bagong paraan upang makalayag magmula sa isang lugar papunta sa iba.[5]
Una itong dinukumento ng Nintendo sa isyu ng Nintendo Power noong Mayo 1999. Kapag nakatagpo ng MissingNo. ay nagreresulta ito sa pagkakagulo sa grapika at pag-dodoble ng pang-anim na gamit sa bag.[6] Nagkaroon ang isyu na ito ng kakaibang epekto sa komunidad ng Pokémon. Ang glitch ay resulta ng kasunod ng mga pangyayari: una, ang manlalaro ay manonood ng isang tutoryal sa kung paano manghuli ng Pokémon. Pagkatapos ang manlalaro ay gagamitin ang abilidad na (Fly) ng Pokémon upang makapunta sa isla ng Cinnabar at pagkatapos ay gagamitin ang abilidad na (Surf) upang makalakbay at makapunta sa baybayin sa silangan ng isla hanggang sa magpakita ang MissingNo.[6][7]
Kadahilanan
baguhinMay dalawang dahilan kung bakit nakakakita ng MissingNo. ang manlalaro sa laro. Isa rin sa dahilan ang depekto sa pagpoprograma. Ang unang dahilan ay ang paraan ng laro na mag-lagay ng impormasyon sa pakikipag-laban at ang skrip ng matandang lalaki sa lungsod ng Viridian. Kapag ang manlalaro ay naglalakbay sa isang lugar papunta sa iba, nag-tatala ang laro ng mga numero para sa Pokémon na makikita ng manlalaro sa data buffer, na siyang binabasa kapag nakakakita ito ng Pokémon. Pero sa kanang bahagi ng Cinnabar at isla ng Seafoam, walang datos ang nakatala para sa buffer nito kaya tuloy ang impormasyon sa nakaraang lugar ang nagagamit nito o ang (datos ng pangalan ng manlalaro).[8]
Sa pagkakataong makatagpo ng MissingNo., ang manlalaro ay pwedeng lumaban (fight), tumakas (flee) o huliin (capture) ang MissingNo. katulad lang din ito ng mga ibang Pokémon sa laro.[2] Pagkatapos nito makatagpo ng isang MissingNo., ang pang-anim na gamit ng manlalaro sa bag ay makokopya ng 128,[7] at ang nakatalang datos para sa “Hall of Fame” ay magkakagulo-gulo.[9] Kapag nakipag-laban ang manlalaro sa ibang mga tagasanay kasama ang Pokémon na MissingNo., magkakagulo ang trainer sprite ng manlalaro at ng kalaban at ganun din ang Pokémon ng manlalaro at ng kalaban. Maayos ang problema na ito sa pamamagitan ng pagtingin sa Pokédex o pagpatay at pagbubukas muli ng konsola. Sa paghuli ng MissingNo. sa larong Pokémon Yellow, magkakadoble-doble ang manlalaro na naglalakad sa harapan ng screen.
Salpukan
baguhinKahit nakita lang ito sa dalawang laro ng Pokémon ay nagkaroon parin ito ng malaking salpukan. Sabi ng Nintendo ukol rito ay “programming quirk” at hindi rin nila gusto na makatagpo ang mga manlalaro ng MissingNo.. Tatanggalin nila ang MissingNo. sa susunod na laro ng Pokémon. Gayunpaman, ang impormasyon ukol sa kung paano makatagpo ng MissingNo. sa laro ay naka-limbag na sa mga maraming magasin at giya sa mga laro[8][10][11], habang ang ibang manlalaro naman ay sinusubukang magbenta ng totoo o pekeng mga “tip” para sa pagkakahuli sa MissingNo. ng $200.[12] Noong 2009, nilagay ng IGN ang MissingNo. sa kanilang “Top 10 Easter Eggs”, na nagsasabing ito ay isang “glitchimon” at sinasabing ito ay kapakipakinabang sa pagpaparami ng mga mahahalagang gamit.[13] Sa ibang artikulo, sinabi nila ito na “It really says something about Pokémon fans that they took what is a potentially game ruining glitch and used it as a shortcut to level up their Pokémon.".[7] Ang reaksiyon ng mga manlalaro sa MissingNo. ay pinag-aralan ng mga sosyolohiya. Sinabi ng sosyolohistang si William Sims Bainbridge sa kanyang pag-aaral na ang Game Freak ay gumawa ng "isa sa mga pinakakilalang glitch sa kasaysayan ng mga laro" at sinabi rin ang malikhaing gamit nito sa mga manlalaro.[14]
Sanggunian
baguhin- ↑ Nintendo. "Customer Service - Specific GamePak Troubleshooting". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-07. Nakuha noong 2009-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Game Freak (1998-09-30). Pokémon Red and Blue, Instruction manual. Nintendo. pp. 6–7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Game Freak (1998-09-30). Pokémon Red and Blue, Instruction manual. Nintendo. p. 11.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Game Freak. Pokémon Red and Blue. (Nintendo). (30 Setyembre 1998) "HM02 is FLY. It will take you back to any town."
- ↑ 6.0 6.1 Staff (1999). "Pokechat". Nintendo Power. 120: 101.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 DeVries, Jack (2008-11-24). "Pokémon Report: OMG Hacks". IGN. Nakuha noong 2009-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Loe, Casey (1999). Pokémon Perfect Guide Includes Red-Yellow-Blue. Versus Books. p. 125. ISBN 1-930206-15-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff (2009-05-17). "Other Worlds Than These: To be a Pokémon Master". Destructoid. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-21. Nakuha noong 2009-06-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff (1999). "Top 50 Games". Pocket Games (1): 96.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Guides: Pokémon Blue and Red". IGN. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-05. Nakuha noong 2009-06-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sweetman, Kim (1999-12-28). "The latest Pokémon trend: if you can't beat 'em, cheat". The Daily Telegraph. p. 11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff (2009-04-09). "Gaming's Top 10 Easter Eggs". IGN. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-06. Nakuha noong 2009-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bainbridge, William Sims; Wilma Alice Bainbridge (2007). "Creative Uses of Software Errors: Glitches and Cheats". Social Science Computer Review. SAGE Publications. 25: 61. doi:10.1177/0894439306289510.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)