Ang Portada ng Pokémon

Ang Pokemon (Hapon:ポケットモンスター) ay isang serye ng mga anime, elektronikong laro, at iba pa. Ito ay sinumulan ni Satoshi Tajiri noong 1996 na naisip niya dahil isa siyang insect collector ng bata pa siya. Ang Pokemon ay isang salitang pinaikli para sa Pocket monsters.


Sariwain
Si Pikachu ay isa sa mga piksyunal na nilalang ng Pokémon mula sa prangkisa ng Pokémon—isang koleksiyon ng mga larong bisyo, anime, manga, aklat, trading cards at iba pa na ginawa ni Satoshi Tajiri. Tulad ng lahat ng mga Pokémon, si Pikachu ay nakikipaglaban sa ibang mga Pokémon sa mga laban na sentral na tema ng mga anime, manga at video games ng Pokémon. Si Pikachu ang pinakakilalang Pokémon marahil dahil sa pagiging bida nito sa anime ng Pokémon. Si Pikachu ang pinakapopular na Pokémon, ang opisyal na mascot ng prangkisa ng Pokémon, at ang naging simbulo ng kulturang Hapon sa mga nakalipas na taon.

Sa piksyunal na mundo ng Pokémon, madalas makita si Pikachu sa mga bahay, gubat, kapatagan, at kung minsan ay sa mga bundok, isla, at mga pinagmumulan ng kuryente (tulad ng mga power plant). Bilang isang “Electric-type” na Pokémon, nakapag-iimbak ito ng kuryente sa kanyang mga pisngi at inilalabas ito sa mga atakeng base sa kidlat.

  • ... na si Ash Ketchum ay isinaboses ng isang babae?
  • ... na si Reshiram lang ang tanging Fire-type Pokémon na hindi mahina sa Water-type?
  • ... na nakatanggap ng magkahalong resepsiyon ang Abra, Kadabra, and Alakazam, na ang ilan ay nag-aaway-away na ipinapakita nito ang okulto?
  • ... na makikita lamang ang MissingNo. bilang resulta ng buffer data na naglalaman ng hindi pa maayos na pangalan ng manlalaro?
  • ... na nabigyan puna si Mr. Mime sa maling kombinasyon ng mime at payaso?
  • ... na pinalitan ang kulay ng Jynx dahil sa reklamo na rasista ang orihinal na disenyo?
  • ... na inilalarawan ang Koffing and Weezing nilang halimbawa ng mga ginagawa ng mga shinto?