Mitochondrial Eve

Pilohenetika

Sa henetikang pantao, ang tinatawag na Mitochondrial Eve ang pang-inang pinakakamakailang ninuno (MRCA) ng lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao. Ito ay tinatayang nabuhay noong mga 140,000 hanggang 200,000 taong nakakaraan. Ito ang pinakakamakailang babae na pinagmulan ng lahat ng mga nabubuhay na tao ngayon sa panig ng kanilang ina. Dahil ang lahat ng mitochondrial DNA (mtDNA) ay naipapasa mula ina tungo sa supling nang walang rekombinasyon, ang lahat ng mtDNA ng bawat nabubuhay na tao ay tuwirang nagmula sa kanya na nagiiba lamang sa mga mutasyon na sa paglipas ng maraming mga henerasyon ay nangyari sa germ cell mtDNA simula ng paglilihi ng orihinal na mitochondrial Eve. Ito ay ipinangalan sa mitochondria at sa inaangking unang babaeng sa bibliya na si Eba ngunit hindi tulad ng tauhan sa bibliyiang si Eba, ang mitochondrial Eve ang hindi tanging nabubuhay na babae sa kanyang panahon. Gayunpaman, ang mga kapwa niyang nabubuhay na babae maliban sa ina ng mitochondrial Eve ay nabigong makalikha ng tuwirang hindi napatid na linyang pambabae sa anumang nabubuhay na babaeng tao sa kasalukuyan.

Haplogroup Modern humans

Posibleng panahon ng pinagmulan 152,000 – 234,000 BP[1]
Posibleng lugar ng pinagmulan Silangang Aprika
Ninuno n/a
Descendants Mitochondrial macro-haplogroups L0, L1, and L5
Naglalarawang mga mutasyon Wala

Si Mitochondrial Eve ay nabuhay sa pagitan ng 140,000 at 200,000 taong nakakaraan[2][3] sa Silangang Aprika [4] nang ang mga Homo sapiens ay nag-eebolb bilang isang populasyong natatangi sa iba pang mga species ng homo.

Ang Mitochondrial Eve ay lumitaw pagkatapos mabuhay ng Homo heidelbergensis gayundin ng Homo neanderthalensis. Gayunpaman, siya ay mas nauna sa paglisan ng homo sapiens mula sa Aprika.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pedro Soares et al 2009, Correcting for Purifying Selection: An Improved Human Mitochondrial Molecular Clock. and its Supplemental Data. Naka-arkibo 2009-12-29 sa Wayback Machine. The American Journal of Human Genetics, Volume 84, Issue 6, 740–759, 4 June 2009
  2. Cann RL, Stoneking M, Wilson AC (1987), "Mitochondrial DNA and human evolution", Nature, 325 (6099): 31–36, Bibcode:1987Natur.325...31C, doi:10.1038/325031a0, PMID 3025745 {{citation}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Soares P, Ermini L, Thomson N; atbp. (2009), "Correcting for purifying selection: an improved human mitochondrial molecular clock", Am. J. Hum. Genet., 84 (6): 740–59, doi:10.1016/j.ajhg.2009.05.001, PMC 2694979, PMID 19500773 {{citation}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link). University of Leeds – New 'molecular clock' aids dating of human migration history Naka-arkibo 2017-08-20 sa Wayback Machine.
  4. 'Your Genetic Journey' – The Genographic Project
  5. Endicott, P; Ho, SY; Metspalu, M; Stringer, C (2009), "Evaluating the mitochondrial timescale of human evolution", Trends Ecol. Evol. (Amst.), 24 (9): 515–21, doi:10.1016/j.tree.2009.04.006, PMID 19682765 {{citation}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Punong ebolusyonaryo ng mga mitochondrial DNA (mtDNA) haplogroup na pantao

  Mitochondrial Eve (L)    
L0 L1-6
L1 L2 L3   L4 L5 L6
  M N  
CZ D E G Q   A S   R   I W X Y
C Z B F R0   pre-JT P  U
HV JT K
H V J T