Mitokondriyon

(Idinirekta mula sa Mitochondrion)

Ang sulidlawas[1] mitokondriyon, na nagiging mitokondriya sa maramihang anyo, (Ingles: mitochondrion, na nagiging mitochondria kapag maramihan) ay isang napapalibutan ng membranong organelong matatagpuan sa halos lahat ng mga selulang eukaryotiko. Ang mga organelong ito ay sumasaklaw mula 0.5 hanggang 1.0 mikrometro (μm) sa bantod. Ang sulidlawas ay minsang inilalarawan na "selular na kapangyarihan ng halaman" dahil ang mga ito ay lumilikha ng halos lahat ng dami ng adenosine triphosphate (ATP) ng sihay na ginagamit bilang pinagkukunan ng kapnayang kusog (enerhiyang kemikal). Bilang karagdagan sa pagsusuplay ng kusog ng sihay, ang sulidlawas ay sumasangkot rin sa ibang mga proseso gaya ng paghuhudyat ng sihay, pagkakaiba-ibang pangsihay, apoptosis gayundin sa pagkontrol ng siklo ng selula at paglago ng sihay. Ang sulidlawas ay nasasangkot sa ilang mga sakit ng tao kabilang ang mga diperensiyang sulidlawas at hindi paggana ng puso at maaaring gumampan ng papel sa prosesong pagtanda.

Dalawang mitochondria mula sa tisyu ng baga ng mammal na nagpapakita ng mga matrix at membrano nito na pinapakita ng mikroskopyong elektron.
Isang tipikal na sihay ng hayop at ang mga panloob na bahagi(organelo) nito::
(1) ibutod
(2) pinakaubod
(3) ribosoma (munting mga tuldok)
(4) besikulo
(5) magaspang na endoplasmikong retikulum (ER)
(6) Aparatong Golgi
(7) Cytoskeleton
(8) makinis na endoplasmikong retikulum
(9) sulidlawas
(10) bakuolag
(11) cytosol
(12) biluslawas
(13) gitbutil sa loob ng gitlawas

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.