Ang siklo ng selula (Ingles: cell cycle o cell-division cycle) ang sunod sunod na mga pangyayaring nangyayari sa isang selula na tumutungo sa paghahati nito at pagkokopya sa sarili(duplication o replication). Sa mga selulang walang nucleus ng selula, ang siklo ng selula ay nangyayari sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na binaryong fission. Sa mga selulang may nucleus gaya ng mga eukaryotes, ang siklo ng selula ay maaaring hatiin sa tatlong yugto:

  • interphase: kung saan ang selula ay lumalago, nagtitipin ng mga nutriento na kailangan para sa mitosis at pagkopya ng sarili nitong DNA
  • yugtong mitosis: kung saan sa prosesong ito ang mga selula ay humahati sa sarili nito sa dalawang walang katulad na mga selulang tinatawag na mga "anak na selula"(daughter cells)
  • cytokensis: ang huling yugto kung saan ang mga bagong selula ay kumpletong nahahati.
Bawat yugto ng siklo ng selula ay humahati sa mga kromosoma sa isang nucleus ng selula.

Ang siklong paghahati ng selula ay isang mahalagang proseso kung saan ang isang napunlay na itlog ay umuunlad sa isang matandang organismo gayundin ang proseso kung saan ang buhok, balat, selula ng dugo at ilang mga panloob na organo ng tao ay nababago.

Mga yugto

baguhin
 
Skematiko ng siklo ng selula. panlabas na singsing(ring): I = Interphase, M = Mitosis; panloob na singsing: M = Mitosis, G1 = Gap 1, G2 = Gap 2, S = Sintesis; wala sa singsing: G0 = Gap 0/Pagpapahinga.

Ang siklo ng selula ay binubuo ng apat na walang mga katulad na yugto: yugtong G1, yugtong S(biosintesis), yugtong G2(na pinagsamang tinatawag na interphase), yugtong M(mitosis). Ang yugtong M ay mismong binubuo ng dalawang mahigpit na magkadugtong na mga proseso: ang mitosis kung saan ang mga kromosoma ng selula ay nahahati sa pagitan ng dalawang mga anak na selula at cytokinesis kung saan ang cytoplasmo ng selula ay nahahati sa kalahati na bumubuo ng mga walang katulad na selula. Ang pagpapagana ng bawat yugto ay nakabatay sa tamang progresyon at pagkumpleto ng nakaraang yugto. Ang mga selulang temporaryong o pabaliktad na huminto sa paghahati ay sinasabing pumasok sa estadong quiescence(hindi aktibo) na tinatawag na yugtong G0.

Estado Yugto Abrebiasyon Deskripsiyon
quiescent(hindi aktibo)/
senescent(matanda)
Gap 0 G0 Ang yugtong nagpapahinga kung saan ang selula ay umalis sa siklo ang huminto sa paghahati.
Interphase Gap 1 G1 Ang mga selula ay lumalaki sa sukat sa Gap 1. Ang G1 checkpoint na mekanismong kontrol ay sumisiguro na ang lahat ay handa na sa sintesis ng DNA.
Sintesis S Ang replikasyon ng DNA ay nangyayari sa yugtong ito.
Gap 2 G2 Sa gap na ito sa pagitan ng sintesis ng DNA at mitosis, ang selula ay patuloy na lumalago. Ang G2 checkpoint na mekanismong kontrol ay sumisiguro na ang lahat ay handa upang pumasok sa yugtong M(mitosis) at maghati.
paghahati ng selula Mitosis M Ang paglago ng selula ay humihinto sa yugtong ito ang enerhiya ay nakapokus sa maayos na paghahati sa dalawang mga anak na selula. Ang isang Metaphase Checkpoint ay sumisigurong ang selula ay handa upang kumpletohin ang paghahati ng selula.

Pagkatapos ng paghahati ng selula, ang bawat mga anak na selula(daugther cells) ay magsisimula ng interphase ng bagong siklo. Bagaman ang iba't ibang mga yugto ng interphase ay hindi karaniwang makikita ang pagkakaibang morpolikal, ang bawat yugto ng siklo ng selula ay may walang katulad na hanay ng mga ginawang espesyal na mga prosesong biokemikal na naghahanda sa celula sa pagsisimula ng paghahati ng selula.