Mitokondriyon
Ang sulidlawas[1] mitokondriyon, na nagiging mitokondriya sa maramihang anyo, (Ingles: mitochondrion, na nagiging mitochondria kapag maramihan) ay isang napapalibutan ng membranong organelong matatagpuan sa halos lahat ng mga selulang eukaryotiko. Ang mga organelong ito ay sumasaklaw mula 0.5 hanggang 1.0 mikrometro (μm) sa bantod. Ang sulidlawas ay minsang inilalarawan na "selular na kapangyarihan ng halaman" dahil ang mga ito ay lumilikha ng halos lahat ng dami ng adenosine triphosphate (ATP) ng sihay na ginagamit bilang pinagkukunan ng kapnayang kusog (enerhiyang kemikal). Bilang karagdagan sa pagsusuplay ng kusog ng sihay, ang sulidlawas ay sumasangkot rin sa ibang mga proseso gaya ng paghuhudyat ng sihay, pagkakaiba-ibang pangsihay, apoptosis gayundin sa pagkontrol ng siklo ng selula at paglago ng sihay. Ang sulidlawas ay nasasangkot sa ilang mga sakit ng tao kabilang ang mga diperensiyang sulidlawas at hindi paggana ng puso at maaaring gumampan ng papel sa prosesong pagtanda.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.