Modernong ebolusyonaryong sintesis

Ang modernong ebolusyonaryong sintesis ang pagkakaisa ng mga ideya mula sa ilang mga espesyalidad ng biolohiya na nagbibigay ng isang malawakang tinanggap na paliwanag ng ebolusyon. Ito ay tinutukoy rin na bagong sintesis (new synthesis o "bagong pagbubuo"), modernong sintesis (modern synthesis o "makabagong pagbubuo"), sintesis na ebolusyonaryo (evolutionary synthesis o "sintesis na makaebolusyon/pang-ebolusyon"), sintesis na pangmilenyo (millennium synthesis) at bagong maka-Darwin na sintesis (neo-Darwinian synthesis). Ang sintesis na nilikha sa pagitan nang 1936 at 1947 ay rumireplekta sa kasunduan tungkol sa kuing paano ang ebolusyon ay nagpapatuloy. [1] Ang nakaraang pagpapaunlad ng henetikang populasyon sa pagitan ng 1918 at 1932 The previous development of population genetics, between 1918 at 1932 ay isang pagpukaw dahil ito ay nagpakitang ang pagmamanang Mendelian ay konsistente(umaayon) sa natural na seleksiyon at gradual na ebolusyon. Ang sintesis na ito ang nananatili ang kasalukuyang paradigmo sa biolohiyang ebolusyonaryo. [2] Nalutas ng modernnong ebolusyonaryong sintesis ang mga kahirapan at kalituhan na sanhi ng espesyalisasyon at mahinang komunikasyon sa pagitan ng mga biologo sa mga simulang taon ng ika-20 siglo. Sa puso nito ang tanon na kung ang henetikang Mendelian ay mapagkakasundo sa gradual o dahan dahang ebolusyon sa pamamagitan ng natural na seleksiyon. Ang ikalawang isyu ay kung ang malawakang iskalang mga pagbabago o makroebolusyon na nakita ng mga paleontologo ay maipapaliwanag ng mga pagbabagong nakikita sa mga lokal na populasyon o mikroebolusyon. Ang sintesis na ito ay kinabibilangan ng ebidensiya mula sa mga biologo na sinanay sa henetika na nag-aaral ng mga populasyon sa larangan at laboratoryo. Ang mga pag-aaral na ito ay mahalaga sa teoriyang ebolusyonaryo. Pinasama ng sintesis na ito ang mga ideya mula sa ilang mga sangay ng biolohiya na naging hiwalay partikular na ang henetika, biolohiyang selula(cytology), sistematika, botaniya, morpolohiya, ekolohiya at paleontolohiya. Ang terminong ito ay inimbento ni Julian Huxley nang isulat ang kanyang aklat na Evolution: The Modern Synthesis (1942). Ang iba pang mga pangunahing pigura sa modernong ebolusyonaryong sintesis ay kinabibilangan nina R. A. Fisher, Theodosius Dobzhansky, J. B. S. Haldane, Sewall Wright, E. B. Ford, Ernst Mayr, Bernhard Rensch, Sergei Chetverikov, George Gaylord Simpson, at G. Ledyard Stebbins.

Ang modernong ebolusyonaryong sintesis ay nagtulay sa puwang sa pagitan ng mga eksperimental na henetisista at naturalista at sa pagitan ng mga paleontolog. Ito ay nagsasaad na: [3][4][5]

  1. Ang lahat ng mga phenomenang ebolusyonaryo ay maipapaliwang sa isang paraang umaayon sa lahat ng alam mga mekanismong henetiko at mga napagmamasdang ebidensiya ng mga naturalista.
  2. Ang ebolusyon ay dahan dahan: ang maliliit na mga pagbabagong henetiko na nireregula o kinokontrol ng natural na seleksiyon ay nagtitipon sa loob ng mga mahahabang panahon. Ang mga hindi pagpapatuloy sa mga espesye o iba pang taxa ay maipapaliwanag na nagmumula ng dahan dahan sa pamamagitan ng paghihiwalay sa heograpiya at ekstinksiyon.
  3. Ang natural na seleksiyon sa kasalukuuyan ang pinaka-pangunahing mekanismo ng pagbabago. Kahit ang katamtamang mga kapakinabangan ay mahalaga kapag naipagpatuloy. Ang paksa ng seleksiyon ang penotipo sa nakapaligid na kapaligiran nito. ent.
  4. Ang papel ng pag-anod na henetiko ay hindi malinaw. Bagaman malakas na sinuportahan ni Dobzhansky, ito ay kalaunang ibinababa habang ang mga resulta ng henetikang ekolohikal ay nakamit.
  5. Ang pag-iisip sa mga termino ng mga populasyon kesa sa mga indibidwal ay pangunahin: ang henetikong dibersidad na umiiral sa mga natural an populasyon ay isang mahalagang paktor sa ebolusyon. Ang lakas ng natural na seleksiyon sa kaparangan(wild) ay mas malaki kesa sa nakaraang inasahan; ang epekto ng mga paktor na ekolohikal gay ang okupasyon ng niche at kahalagahan ng mga harang sa daloy ng gene ay lahat mahalaga.
  6. Sa paleontolohiya, ang kakayahan na ipaliwanag ang mga obserbasyong historikal sa pamamagitan ng ekstrapolasyon mula sa mikroebolusyon tungo sa makroebolusyon ay iminungkahi. Ang historikal na posibilidad ay nangangahulugan ang mga paliwanag sa iba't ibang mga lebel ay maaaring umiral. Ang gradualismo ay hindi nangangahulugang konstanteng rate ng pagbabago.

Ang ideya na ang espesiasyon ay nangyayari pagkatapos na ang mga populasyon ay labis na pinagdedebatihan. Sa mga halaman, ang polyploidy ay dapat isama sa anumang pananaw ng espesiasyon. Ang mga pormulasyon gaya ng 'ang ebolusyon ay pangunahing binubuo ng mga pagbabago sa prekwensiya ng allele sa pagitan ng isang henerasyon sa iba pa' ay kalaunang iminungkahi. Ang tradisyonal na pananaw ay ang biolohiyang pang-pag-unlad ('evo-devo') ay gumanap ng kaunting bahagi sa sintesis [6] ngunit ang salaysay ng akda ni Gavin de Beer ni Stephen J. Gould ay nagmumungkahing ito ay maaaring isang eksepsiyon. [7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Appendix: Frequently Asked Questions". Science and Creationism: a view from the National Academy of Sciences (php) (ika-Second (na) edisyon). Washington, DC: The National Academy of Sciences. 1999. p. 28. ISBN ISBN-0-309-06406-6. Nakuha noong Setyembre 24, 2009. The scientific consensus around evolution is overwhelming. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mayr 2002, p. 270
  3. Huxley 2010
  4. Mayr & Provine 1998
  5. Mayr E. 1982. The growth of biological thought: diversity, evolution & inheritance. Harvard, Cambs. p567 et seq.
  6. Smocovitis, V. Betty. 1996. Unifying Biology: the evolutionary synthesis and evolutionary biology. Princeton University Press. p192
  7. Gould S.J. Ontogeny and phylogeny. Harvard 1977. p221-2