Si Padre Modesto de Castro ay itinuring na pangunahing manunulat noong ika-19 na daantaon. Tubong Biñan, Laguna, kinilala siya dahil sa kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga sermong pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay sinulat para malathala.

Modesto de Castro
Kapanganakan15 Hunyo 1819[1]
Kamatayan21 Enero 1864[1]
Trabahomanunulat

Pambihira ang kanyang angking talino. Ang katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na humuhubog sa kagandahang-asal ay pinamagatang Platicas Doctrinales. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na sermon.

Naging kura paroko si Padre de Castro ng Katedral ng Maynila at pagkatapos ay ng Naic, Cavite. Kilalang akda ni Padre de Castro ang Urbana at Felisa. Ilan pa sa kanyang mahahalagang akda ay ang Coleccion de Sermones, Exposicion de la Siete Palabras, at Novena de San Pedro.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 Padre Modesto de Castro, Wikidata Q46484367