Mongo, Chad
Ang Mongo (Arabe: مونقو, Mūnqū) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Guéra. Ito ay nasa 406 kilometro (252.2 milya) sa silangan ng N'Djamena kung ibabatay sa distansiyang pandaan. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Mongo IATA: MVO, ICAO: FTTM
Mongo مونقو | |
---|---|
Mga koordinado: 12°10′58″N 18°41′05″E / 12.18278°N 18.68472°E | |
Bansa | Chad |
Rehiyon | Guéra |
Departmento | Guéra |
Sub-Prepektura | Mongo |
Taas | 404 m (1,325 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 40,233 |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Noong ika-11 ng Abril 2006, kinubkob ng mga rebelde ng United Front for Democratic Change (FUC) ang gitnang lungsod.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1993 | 21,443 | — |
2008 | 29,261 | +36.5% |
2012 | 40,233 | +37.5% |
Reperensiya:[1] |
Edukasyon
baguhinWala pang kalahati sa mga batang babae sa Mongo ang pumupunta sa paaralang primarya, at wala pa sa 5% ng mga babae sa rehiyon ang nakapapasok sa mataas na paaralan. Mas-maraming mga batang lalaki ang nakapapasok sa paaralan sa Mongo kaysa mga batang babae.[2]