Moog ng San Felipe (Kabite)

(Idinirekta mula sa Moog ng San Felipe (Cavite))

Ang Moog ng San Felipe (Ingles: Fort San Felipe) ay isang muog panghukbo sa Lungsod ng Cavite, lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Itinayo ito ng hukbo ng mga Kastila noong 1609 sa unang bayang-daungan ng Kabite (Cavite), ang makasaysayang pusod ng kasalukuyang Lungsod ng Cavite, para sa panangalang nito. Matatagpuan ang Moog ng San Felipe sa loob ng 9-ektaryang (22-acre) Naval Base Cavite ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at hindi ito bukas sa publiko.[1]

Sa kasalukuyan, ang pangalang Moog ng San Felipe ay tumutukoy rin sa lugar ng kasalukuyang Lungsod ng Cavite kung saan matatagpuan noon ang makasaysayang bayang-daungan ng Cavite (na kilala rin bilang Cavite Nuevo at Cavite Puerto) at ang Cavite Arsenal (ngayo'y Naval Base Cavite). Kapuwa bahagi ngayon ng distrito ng San Roque ng lungsod.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fort San Felipe". Wow Cavite. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2014. Nakuha noong 21 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  2. Dela Rosa, Joy (2007). "About Cavite City". Cavite Library and Museum. Nakuha noong 21 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

14°28′54.5″N 120°55′0″E / 14.481806°N 120.91667°E / 14.481806; 120.91667