Moscow Institute of Physics and Technology
Ang Moscow Institute of Physics at Teknolohiya[1] (Ruso: Московский Физико-Технический институт), na kilala din bilang PhysTech (Физтех), ay isang pamantasang Ruso, na orihinal na itinatag ng Unyong Sobyet. Ito ay naghahanda ng mga espesyalista sa teoretikal at aplikadong pisika, aplikadong matematika, at mga kaugnay na disiplina.
Ang MIPT ay kilala para sa espesyal na prosesong pang-edukasyon nito ("Phystech System"). Ang kaguruan ng MIPT ay relatibong maliit, at marami sa mga guro ay mga bumibisitang propesor mula sa ibang institusyon.
Ang pangunahing kampus ng MIPT ay matatagpuan sa Dolgoprudny,[2] isang suburbiyo na nasa hilaga ng lungsod ng Moscow. Ang Aeromechanics Department ay nakabase sa Zhukovsky, isang lungsod sa timog-silangan ng Moscow.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Instituto sa Pisika at Teknolohiya ng Moscow
- ↑ "Google Maps". Nakuha noong 31 Oktubre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
55°55′46″N 37°31′17″E / 55.929444444444°N 37.521388888889°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.