Damong-maria

(Idinirekta mula sa Mugwort)

Ang damong maria[1] (binabaybay ding damong-maria[1], damong marya [1], at damong-marya[1]), artemisya[1] o Artemisia[1] (Ingles: wormwood[1], mugwort[1], sagebrush[1], sagewort) ay isang malaki at malawak na sari ng mga halamang may mga uring nabibilang sa pagitan ng 200 hanggang 400 mga uri, na kinabibilangan ng pamilya ng mga krisantemo[2] o butonsilyo[2] (Asteraceae, daisy sa Ingles). Binubuo ito ng mga matitipuno at malulusog na mga damong-gamot at mga palumpong na kilala dahil sa kanilang mga langis na bolatil (madaling sumingaw). Tumutubo sila sa mga pook na may katamtamang klima sa Hilagang Hemispero at Katimugang Hemispero, karaniwang nasa tuyo at di-gaanong tuyong mga lugar. Nalulukuban ng mga puting buhok ang mga tila-eletsong mga dahon ng mga damong-maria. May ilang mga botanistang naghahati ng sari sa ilan pang sari (henero), ngunit hindi binibigyang katibayan ng pagsusuring pang-DNA (Watson et al. 2002) ang pagpapanatili ng mga saring Crossostephium, Filifolium, Neopallasia, Seriphidium, at Sphaeromeria. Ngunit mayroon namang tatlong ibang nakahiwalay ngunit nakapailalim na mga sari (ang Stilnolepis, Elachanthemum, at Kaschgaria) na napapanatili sa gayong pagkakahati sa pamamagitan ng ebidensiyang ito.

Damong-maria (Artemisia)
Artemisia abronatum
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Asterales
Pamilya: Asteraceae
Tribo: Anthemideae
Sari: Artemisia
L., 1753
Tipo ng espesye
Artemisia vulgaris L.
Mga uri

Tingnan ang teksto.

Damong Maria
Tungkol ito sa halaman, para sa diyosang Griyego tingnan ang Artemis.

Ginagamit ang mga uri ng Artemisia bilang pagkain ng mga higad ng ilang uri ng Lepidoptera.

Mga piling uri

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Gaboy, Luciano L. Artemisia, uri ng halaman: artemisya; Mugwort, damong marya; wormwood, kauri ng damong maria; sagebrush, kauri ng damong marya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Daisy, krisantemo, butonsilyo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.