Timog Hilihid

bahagi ng Daigdig na timog ng ekwador
(Idinirekta mula sa Katimugang Hemispero)

Ang Timog Hilihid o Timog Emisperyo o Timog Hating-Daigdig ay ang bahagi ng Daigdig (Mundo) na nasa timog ng ekwador. Ito rin ang kalahati ng esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal. Ang Timog Hilihid ang naglalaman ng lahat o mga kabahagi ng apat na mga kontinente (Antarktika, Australia, karamihan sa mga bahagi ng Timog Amerika at katimugang hati ng Aprika), apat na mga karagatan (Timog Atlantiko, Indiyano, Timog Pasipiko, at Pangtimog na Karagatan) at ang karamihang bahagi ng Oceania. Ilang mga pulo na mula sa pangkontinenteng punong lupain ng Asya ay nakapaloob din sa Timog Hilihid. Dahil sa pagkiling ng rotasyon o pag-inog ng Daigdig na kaugnay sa Araw at sa tapyas na ekliptiko, ang tag-araw ay magmula sa Disyembre hanggang sa Marso at ang taglamig ay magmula Hunyo hanggang Setyembre. Ang Setyembre 22 o 23 ay ang ekwinoks (panahon kapag ang araw at gabi ay magsinghaba) na pangtagsibol (bernal) at ang Marso 20 o 21 ay ang ekwinoks na pangtaglagas.

Ang Timog Hilihid na pinagliwanag sa pamamagitan ng dilaw na kulay (hindi ipinapakita ang Antarktika).
Poster na may alamat na "Ushuaia, katapusan ng mundo". Ang Ushuaia sa Argentina ay ang pinakadulong lungsod sa buong mundo.
Ang Timog Hilihid na tinatanaw magmula sa habang nasa ibabaw ng Pangtimog na Polo.

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.