Muhammad Shah
Si Muhammad Shah (ipinanganak bilang Awang Alak Betatar)[1] ay ang nagtatag ng Sultanato ng Brunei at siya ang unang sultan nito, marahil mula 1363 hanggang 1402. Malabo ang talaangkanan ni Muhammad Shah,[2][3] at batay ito sa ilang makasaysayang mapagkukunan at alamat.
Paduka Sultan Muhammad Shah | |
---|---|
Unang Sultan ng Brunei | |
Paghahari | 1363 AD – 1402 AD[1] |
Kapanganakan | Ika-14 na dantaon |
Lugar ng kapanganakan | Brunei |
Kamatayan | 1402 CE[1] |
Sinundan | Naitatag ang posisyon |
Kahalili | Abdul Majid Hassan |
Ama | Ibrahim Shah |
Ina | Tunku Mala |
Mga paniniwalang relihiyoso | Sunni Islam |
Buhay
baguhinNabuo ang kasalukuyang Sultanato ng Brunei ni Muhammad Shah, kasama ang tulong ng kanyang kapatid na si Awang Pateh Berbai (kilala din bilang Ahmad ng Brunei, ang ikalawang Sultan ng Brunei) at Awang Semaun. Naging Sultan siya mula 1368[3] hanggang sa kanyang kamatayan noong 1402.[1] Pinamunuan niya ito bilang Raja Awang Alak Betatar hanggang sinaunang 1360,[3] na sa puntong ito, pinalitan ang pananampalataya sa Islam upang pakasalan ang anak ng Hari ng Temasik (Lumang Singapore, kilala noon sa Brunei bilang Johor).[3][1]
Namatay si Muhammad Shah noong 1402, at humalili si Sultan Abdul Majid Hassan.
Kawalan ng katiyakan
baguhinAng pinakamaagang tala sa kasaysayan ng mga Sultan ng Brunei ay hindi malinaw na alam dahil sa hindi magandang sinaunang dokumentasyon ng kasaysayan ng Brunei. Maraming matatandang kasapi ng Bahay ni Bolkiah ang nag-aangkin na sila ang ninuno ng BaHassan at BaAlawi Saadah mula sa Tarim sa rehiyon ng Hadhramaut sa makabagong Yemen. Karagdagan pa dito, may mga pagsisikap na gawing Islam ang kasaysayan, na ang "opisyal na kasaysayan" ay hindi tumutugma sa napapatunayang banyagang sanggunian.
Hindi malinaw kung sino ang pinakasalan ni Muhammad Shah, subalit naiulat na ang pinakasalan niya ay ang anak ni Iskandar Shah, o ang anak ni Sang Nila Utama, parehong nasa Bahay ni Sang Sapurba.[3] Nabanggit na si Muhammad Shah ang nagtatag ng Sultanato. Nagpadala siya ng misyon sa Tsina noong 1371; binanggit ito sa Ming Shih (Aklat 325), isang kapanahon na sangguniang aklat na Tsino, at sinabing ang Hari ng Brunei noong 1370 ay si Ma-ho-mo-sa. Maraming lokal na dalubhasa sa kasaysayan sa Brunei ang nagsasabi na tinutukoy nito si "Muhammad Shah" na ang unang Islamikong Sultan ng Brunei, bagaman, may ilan na binabasa ito bilang "Mahmud Shah".[2] May isa pang pananaw na maaring binibigkas ang Ma-ho-mo-sa bilang "Maha Moksha", na nangangahulugang Dakilang Kawalang-hanggan, isang pangalang Budista; ayon sa Tsinong tala ng kanyang kahalili na mayroon ding pangalang Budista.[2]
Diumanong pinakasalan ng kanyang anak, si Prinsesa Ratna Dewi, ang isang imigranteng Tsino na may pangalang Ong Sum Ping na pinapangalan ding Ong Sum Ping na nagsimula ng kalakalang estasyon sa Mumiang sa Ilog Kinabatangan. Dahil dito, pinagkalooban siya ng titulong Pengiran Maharaja Lela at nahalal bilang Pinuno ng Kinabatangan.[4][5]
Mayroong patunay na mayroon ng mga Islam sa kasalukuyang lugar ng Brunei bago ang kasalukuyang Sultano - mayroong ding ebidensya na may dinastiyang Muslim din sa lugar bago ang Sultanao.[2][3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Jatswan S. Sidhu (22 Disyembre 2009). Historical Dictionary of Brunei Darussalam (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. p. 20. ISBN 978-0-8108-7078-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Archived copy" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2015. Nakuha noong 2 Oktubre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Elisseeff, Vadime (Enero 2000). "Chapter 8: A Brunei Sultan of the Early Fourteenth Century - A Study of an Arabic Gravestone". The Silk Roads: Highways of Culture and Commerce (sa wikang Ingles). Berghahn Books. pp. 145–157. ISBN 978-1-57181-222-3. Nakuha noong 26 Disyembre 2013.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pusat Sejarah Brunei "Archived copy" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Agosto 2012. Nakuha noong 27 Enero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Muhammad Jamil Al-Sufri.(1990). Tarsilah Brunei- Sejarah Awal dan Perkembangan Islam. Bandar Seri Begawan: Jabatan Pusat Sejarah (sa Ingles)
Mga panlabas na link
baguhin- Sultan - Sultan Brunei (sa Ingles)