Mula Sa Puso
Ang Mula Sa Puso ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas na naisahimpapawid ng ABS-CBN mula 10 Marso 1997 hanggang 9 Abril 1999. Kinatatampukan ito nina Claudine Barretto, Rico Yan at Diether Ocampo sa direksiyon ni Wenn Deramas.
Buod ng Teleserye
baguhinSi Via (Claudine Baretto) ay anak ni Don Fernando (Juan Rodrigo). Minahal at trinato ni Don Fernando anak na parang prinsesa, sapagkat siya ang kaisa-isang anak nito. Sa ika-labinwalong kaarawan ng dalaga, isang regalo ang inihandog ng ama kay Via: ang pagpapakasal nito sa kababatang si Michael (Diether Ocampo). Sa kasamaang palad, siya ay dinukot bago pa ang mismong pagdiriwang kinabukasan. Nasaklolohan siya ng isang simpleng binata ngunit may ginintuang puso, si Gabriel (Rico Yan). Nagkaibigan ang dalawa. Samantala, nahulog naman ang loob ni Michael sa pinakamatalik na kaibigan ni Via si Trina (Rica Peralejo). Sa kalaunan, kailangan nang pumili ni Via kung sino ang totoong tinitibok ng kanyang puso: si Michael o si Gabriel. Kasabay nito ang kanyang pagtuklas sa kanyang ina na si Magda (Jacklyn Jose) at ang paglaban sa kanyang tiyahin na si Selina (Princess Punzalan). Si Selina ang isa sa mga pinakamaimpluwesiya't pinakamakapangyarihang karakter, sapagkat hangad niya na makuha ang kayamanan ng kanyang kapatid. Ginamit niya ang kanyang talino sa mga ilegal na gawain na lubhang nagpalakas sa kanya. Magaling si Selina na manipulahin ang isip ng mga tao, lalo na nung pasabugin ang bus na sinasakyan ni Via at ng kanyang pamilya. Hindi alam ni Selina na buhay pa si Via bilang si Ella Peralta. Nagbalik si Via/Ella sa kanyang pamilya, muling hinarap ang tiyahin sa huling pagkakataon at nagbalik ang kaayusan sa pamilya Pereira.
Mga Tauhan
baguhin- Claudine Barretto - Olivia "Via" Pereira/Ella Peralta
- Rico Yan† - Gabriel Maglayon
- Diether Ocampo - Michael Miranda
- Rica Peralejo - Trina
Pamilya Pereira
- Juan Rodrigo - Don Fernando Pereira
- Princess Punzalan - Selina Pereira-Matias
- Efren Reyes, Jr. - Ysmael Matias (asawa ni Selina)
- Anna Larucea - Nicole Matias† (panganay ni Ysmael)
- Shaina Magdayao - Jennifer Matias (bunso ni Ysmael)
- Snooky Serna - Criselda (unang asawa ni Don Fernando)
- Jan Marini Alano - Mariel (kasambahay ng mga Pereira)
Pamilya Miranda
- Ramil Rodriguez - Atty. Miranda
- Eva Darren - Mrs. Miranda
Pamilya Trinidad
- Jacklyn Jose - Magdalena Trinidad
- Eric Quizon - Manuel Trinidad
Pamilya Buencamino
- Nida Blanca - Carmen Buencamino
- Ariel Rivera - Rafael Buencamino (anak ni Carmen)
- Candy Pangilinan - Berta (kasambahay ng mga Buencamino)
Pamilya Rodrigo
- Rio Locsin - Corazón Rodrigo
- Ricky Davao - Edward Rodrigo
- Patrick Garcia - Warren
- Stefano Mori - Tom-tom
Kantang Pantema
baguhinKinanta ni Jude Michael ang kantang pantema ng nasabing teleserye. Si Roselle Nava naman ang kumanta nito nang isinapelikula ang serye noong 1999.
Ratings
baguhin- Unang kabanata = 37.9%
- Pinakamataas na rating = 53.7%-56.5%
- Tipikal na rating = 45.2%
Mula Sa Puso 2011
baguhinDahil sa tagumpay ng bagong Mara Clara, nagpasya ang ABS-CBN na muling buhayin ang Mula sa Puso. Kinatatampukan ito nina Lauren Young, JM de Guzman at Enrique Gil
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.