Si Nida Blanca (Enero 6, 1936 – Nobyembre 7, 2001), Dorothy Jones sa tunay na buhay, ay isang artista Filipino na may dugong Amerikano dahil sa kanyang ama. Isinilang siya noong 1936 sa Nueva Ecija. Si Nida ay likas na magaslaw at galawgaw na taliwas sa kanyang karibal sa pelikula noon na si Gloria Romero na isang mahinhin.

Una siyang lumapit sa Sampaguita Pictures subalit masyado pa raw siyang bata para sa mga adultong papel, gayon din ang sinabi sa kanya sa Premiere Productions. Ang LVN Star na si Delia Razon ang tumulong sa kanya para maging artista ang batang itsura niya ay pinatanda at inalis ang ribbon niya sa ulo na madalas niyang gamitin. Tubig na Hinugasan ng Quezon Memorial Pictures ang una niyang pelikula.

Tinanggap siya ni Dona Sisang at isinama bilang extra sa mga pelikula ng LVN ni Delia ang Reyna Elena, Amor-Mio at Tia Loleng nina Armando Goyena at Tessie Quintana. Nabigyan siya ng isang mabigat na papel bilang Koreana sa Korea noong 1952 kung saan nakakuha agad siya ng parangal bilang pinakagaling na suportang babae sa FAMAS.

Hanggang sa nagsunud-sunod na ang kanyang pelikula, nariyang itambal siya kay Carlos Salazar sa Digmaan ng Damdamin, Isinubok rin siya kay Rogelio dela Rosa sa Babaeng Hampaslupa at ang unang pagtatambal nila ni Nestor de Villa ang Dalawang Sundalong Kanin na nasundan ng lampas isang dosenang pelikulang kanilang pinagsamahan.

Taong 2001 ng siya ay pagtulungang patayin sa loob ng kotse na ikinalungkot ng buong industriya pati na ng namayapang katambal niya na si Nestor.

Pelikula

baguhin

Kawing Panlabas

baguhin