Sampaguita Pictures

1937-1980

Ang Istudyo

baguhin
 

Ang Sampaguita Pictures ay isa sa mga napakahalagang prodyuser ng pelikula sa kasaysayan ng Pilipinas. Isa rin ito sa pinakamatagal at pinakamahabang istudyo ng pelikula na umabot mahigit 6 na dekada

Nag-umpisa ito noong huling bahagi ng 1937 at ang una nilang pelikula handog ay Bituing Marikit na pinangunahan ng tinaguriang "Singing Sweetheart of the Philippines" na si Elsa Oria dahil sa lambing niyang bumigkas ng mga awiting Tagalog, katambal niya ang hari ng pelikulang pag-ibig na si Rogelio dela Rosa. Ang nasabing pelikula ay isnag Musikal at ito ay bumenta sa takilya at nagkaroon pa ng Extended Run sa mga Bahay-Pelikula.

Ang "Money Maker" ng taon ay naulit sa mga pelikulang nagawa ng Sampaguita. Lahat na halos ng klase ng pelikula ay nagawa ng Sampaguita nariyan ang mag Kuwentong Pag-ibig (Love Story), Musikal (Musical), Aksiyon (Action Movie), Komedya (Comedy)at magkaminsan ay mga pelikulang Makapigil-Hininga (Suspense-Thriller), Katatakutan (Horror) at Pantasya (Fantasy).

Sa Unang dekada ay pawang mga artistang hindi nabibigyan ng starring role ang kinuha ng Sampaguita. Bago magkagiyera natapos nila ang pelikulang Landas na Ginto na ipinapalabas pa rin sa mga sinehan ng noong kasagsagan ng pananakop ng mga Hapones.

Dekada 40, ng dumating ang mga Amerikano at doon na naman sila nagsimulang gumawa ng pelikula sa una nilang handog ang Maynila na sinaliwan ng mga artistang bago pa magkadigma na sila Corazon Noble, Angel Esmeralda at ang dalagitang si Tita Duran, at nagising na lang ang kompanya ng makitang tatlo na pala silang malalakas gumawa ng pelikula at ito ang malahiganteng LVN Pictures at Premiere Productions.

Mga Artista noong 1937-1942

baguhin
 

Mga Artista noong 1946-1949

baguhin
 

Mga Artista noong 1950-1959

baguhin
 

Mga Artista noong 1960-1969

baguhin
 

Mga Artista noong 1970-1980

baguhin
 

Mga Pelikula ng Sampaguita Pictures

baguhin