Susan Roces
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Susan Roces ay unang nasilayan sa pelikula ng Jose Nepomuceno Productions noong siya ay 10 anyos pa lamang na pinamagatang Mga Bituin ng Kinabuksan, isang drama na kasama si Ike Lozada na noon ay isa ring batang paslit.
Susan Rocés | |
---|---|
Kapanganakan | Jesusa Purificación Sonora 28 Hulyo 1941 |
Kamatayan | 20 Mayo 2022 | (edad 80)
Trabaho | Aktres |
Aktibong taon | 1952–2022 |
Asawa | Fernando Poe, Jr. (k. 1968–2004) |
Pagkatapos ng pelikulang nasabi ay pansamantalang tumigil si Susan sa pag-aartista at inasikaso muna ang pag-aaral at pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ang isang batang paslit na isang dalagita na sa pelikulang Komedya ang Miss Tilapya subalit pangalawa lamang siya at suporta sa artista na noo'y reyna ng Sampaguita Pictures na si Gloria Romero.
Pagkaraan ng pelikulang iyon ay binigyan siya ng isang pelikulang maituturing na siya mismo ang bida, ito ay ang una niyang starring role ang Boksingera kung saan itinambal siya kay Luis Gonzales na isang Komedya-Dramang pelikula, subalit ang nasabing pelikula ay di gaanong pumutok sa takilya kaya sa kanyang mga sumunod na pelikula ay isinama muna siya sa mga bigating artista ng naturang kompanya.
Isa siya sa mga barkada ni Dolphy sa pelikulang Kulang sa 7 at papel ng isang dalagitang umako ng kasalanan ng iba sa madramang pelikula na Sino ang Maysala at isang panauhing artista lamang sa pelikulang Pasang Krus (1957) kasama si Romeo Vasquez.
Taong 1957 ng bigyan muli siya ng isang natatanging pagkaganap kasama ang baguhang si Romeo Vasquez sa pelikulang Prinsesang Gusgusin at isa sa mga contestant na nagsiwalat ng kanilang natatanging karanasan na Dramang-Panradyo na isinalin sa pelikula ang Mga Reyna ng Vicks na katunggali niya sa paglalahad ng kanyang natatanging buhay sina Amalia Fuentes, Gloria Romero at Rita Gomez.
Mga Kapatid
baguhinPelikula
baguhin- 1952 - Mga Bituin ng Kinabukasan
- 1956 - Miss Tilapya
- 1956 - Boksingera
- 1956 - Kulang sa 7
- 1957 - Sino ang Maysala
- 1957 - Pasang Krus
- 1957 - Mga Anak ng Diyos
- 1957 - Mga Ligaw na Bulaklak
- 1957 - Prinsesang Gusgusin
- 1958 - Mga Reyna ng Vicks
- 1958 - Madaling Araw
- 1958 - Tawag ng Tanghalan
- 1958 - Ulilang Anghel
- 1961 - Beatnik
- 1965 - Portrait Of My Love
- 1968 - Maruja
- 1971 - Adios Mi Amor
- 1971 - Gumising Ka, Maruja
- 1972 - Bilangguang Puso
- 1972 - Salaginto't Salagubang
- 1973 - Florinda
- 1973 - Hanggang sa Kabila ng Daigdig
- 1973 - Karnabal
- 1974 - Dalawa ang Nagdalantao sa Akin
- 1974 - Patayin Mo sa Sindak si Barbara
- 1975 - Pandemonium
- 1976 - Sapagka't Kami'y Mga Misis Lamang
- 1976 - Langit, Lupa at Impyerno
- 1977 - Maligno
- 1978 - It Happened One Night
- 1978 - Gumising ka Maruja
- 1979 - Mahal, Saan Ka Nanggaling Kagabi?
- 1979 - Angelita, Ako ang Iyong Ina
- 1979 - Mahal, Ginagabi Ka Na Naman
- 1980 - Tanikala
- 1982 - Manedyer si Kumander
- 1984 - Hoy! Wala Kang Paki
- 1986 - Payaso
- 1986 - Nasaan Ka Nang Kailangan Kita
- 1986 - Inday, Inday sa Balitaw
- 1987 - Bunsong Kerubin
- 1987 - No Retreat, No Surrender si Kumander
- 1987 - Paano Kung Wala Ka Na?
- 1987 - 1 + 1 = 12 + 1
- 1988 - Kambal Tuko
- 1988 - Buy One, Take One
- 1988 - Love Boat: Mahal, Trip Kita
- 1989 - Here Comes The Bride
- 1989 - Ang Lahat ng Ito Pati Na ang Langit
- 1990 - Mundo Man ay Magunaw
- 1990 - Feel na Feel
- 1991 - Ubos Na ang Luha Ko
- 1997 - Isinakdal Ko ang Aking Ina
- 2003 - Mano Po 2: My Home
Mga serye sa TV
baguhin- 1996 - Maalaala Mo Kaya: Pahiram ng Isang Pasko
- 2006 - John en Shirley
- 2008 - Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection
- 2008 - Iisa Pa Lamang
- 2008 - Maalaala Mo Kaya: Basura
- 2009 - Sana Ngayong Pasko
- 2009 - May Bukas Pa
- 2011 - Babaeng Hampaslupa
- 2011 - 100 Days to Heaven
- 2012 - Walang Hanggan
- 2013 - Muling Buksan Ang Puso
- 2013 - Wansapanataym: Simbang Gabi
- 2014 - Sana Bukas pa ang Kahapon
- 2015-2022 - FPJ's Ang Probinsyano (huling serye ni Susan Roces bago pa pumanaw)
Tribya
baguhin- alam ba ninyo na si Susan Roces ang nanalo bilang Pinakamagaling na Artista (FAMAS) noong 1978 para sa mala-Klasikong pagganap bilang si Maruja sa pelikulang Gumising ka Maruja.