Selos

(Idinirekta mula sa Panibugho)

Ang panibugho, pagseselos, o selos (Ingles: jealousy, maaari ring possessiveness)[1], ay ang pagsususpetsa o pagiging palabintangin, mapaghinala, o mapagsapantaha sa pagkakaroon ng mga karibal, kaagawan, o kalaban para sa pag-ibig, pagmamahal, o pagkagusto ng ibang tao.[2] Maaari rin itong pagkadarama ng mapagtanim ng sama ng loob na may pagkainggit dahil sa pananagumpay ng ibang tao, kaya't  – sa ganitong diwa  – nagiging katumbas din ang paninibugho ng inggit o pangingimbulo; at nagiging katumbas din ng pagkamakasarili.[2] Tinatawag na seloso (kung lalaki), selosa (kapag babae), o panibughuin ang isang taong mapagselos o nagseselos.[1]

Ang pagsimangot ng babaeng nasa kaliwa ng larawang ito ay isang tanda ng pagseselos niya sa babaeng nagsisilbi ng mga inumin (nasa kanan), na nginingitian ng lalaking kasintahan at kasama (nasa gitna).

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 De Guzman, Maria Odulio (1968). "Jealousy, jealous". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 124.
  2. 2.0 2.1 "Jealousy, possessive". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 67.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Damdamin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.