Teresa
Ang Teresa, Theresa at Therese (Pranses: Thérèse) ay pambabaeng mga ibinigay na pangalan. Maaring hinango ang pangalan sa pamdiwang Griyego θερίζω (therízō) na nagngangahulugang umani.
Teresa | |
---|---|
Bigkas | /təˈriːzə,_ʔsə/[1][2] |
Kasarian | Babae |
Iba pang mga pangalan | |
Pamalit na baybay | Theresa |
(Mga) palayaw | Terri, Terry, Tracy, Tess, Teresita |
Hango sa | mula sa Griyegong θηρεσία "babaeng mangangaso"[kailangan ng sanggunian] a familiar name for Άρτεμις (Diana), the hunt goddess |
Malamang na tumindi ang katanyagan nito dahil sa kabantugan ng ilang mga santang Katolikang Romana, kabilang na sina Teresa ng Avila, Teresa ng Lisieux, at kamakailan, Madre Teresa.
Sa Estados Unidos, ang kasikatan ng pangalang ito nitong nagdaang 15 mga taon ay bumababa, ayon sa senso ng Estados Unidos. Kapag ibinaybay na "Theresa," ito ay nasa ika-852 ranggo ng pinakatanyag na pangalan sa mga babaeng ipinanganak noong 2008, bumaba mula sa ika-226 noong 1992 (nasa ranggo itong ika-65 noong 1950, at ika-102 noong 1900). Kapag ibinaybay namang "Teresa," ito ay nasa ika-580 ranggo ng pinakatanyag na pangalan sa mga babaeng ipinanganak noong 2008, bumaba mula sa ika-206 noong 1992 (nasa ranggo itong ika-81 noong 1950, at ika-220 noong 1900).[kailangan ng sanggunian]
Mga tao
baguhinSa aristokrasya:
- Teresa Lubomirska, maharlikang ginang na Polako
- Teresa of the Two Sicilies, Emperatris-konsorte ng Brasil
- Teresa ng Portugal (paglilinaw)
Sa sining:
- Teresa Berganza, mang-aawit ng opera na Kastila
- Teresa Brewer, mang-aawit na pop and jazz na Amerikana
- Teresa Carpenter, awtor na Amerikanang nagwagi ng Gantimpalang Pulitzer
- Teresa Carpio, mang-aawit ng Cantopop at aktres
- Teresa Carreño, musikerong Venezuelan
- Teresa Cheung (alta-sosyedad), alta-sosyedad at aktres na taga-Hong Kong
- Teresa De Sio, mang-aawit ng tagasulat ng katutubong awitin na Italyana
- Teresa Edgerton, may-akda ng mga nobelang pantasya at maikling kuwento na Amerikana
- Theresa Fu, mang-aawit at aktres na taga-Hong Kong
- Therese Grankvist, mang-aawit na Suweka
- Teresa Graves, aktres at mang-aawit na Amerikana
- Theresa Ikoko, manunulat ng dula na Briton
- Teresa Medeiros, nobelista ng romansa na Amerikana
- Teresa Nielsen Hayden, manunulat at gurong Amerikana
- Teresa Palmer, aktres na Australyana
- Teresa Parente, aktres na Amerikana
- Theresa Randle, aktres na Amerikana
- Teresa Reichlen, mananayaw ng ballet na Amerikana
- Theresa Russell, aktres na Amerikana
- Teresa Salgueiro, mang-aawit na Portuges
- Teresa Stratas, mang-aawit na soprano na Canadian
- Teresa Teng, reyna ng pop na Taiwanese
- Teresa Villaverde, direktor ng pelikula na Portuges
- Lady Teresa Waugh, nobelista at tagasaling-wika na Briton
- Teresa Wentzler, artistang Amerikano at dibuhista ng tahing pakurus
- Teresa Wright, aktres na Amerikanong nagwagi ng Gantimpalang Academy
- Teresa Żarnowerówna, artist mg avant-garde na Polako
Sa politika:
- Theresa Ahearn (1951-2000), Miyembro ng Parlamento ng Irlanda
- Teresa Aquino-Oreta (ipinanganak noong 1944), politikong Pilipina
- Teresa Bellanova, Ministro ng Pagsasaka ng Italya
- Teresa Cheng (politiko), Ministro ng Katarungan ng Hong Kong
- Teresa Gutierrez, politikong Amerikana
- Teresa Heinz (ipinanganak noong 1938), dating balo ni Senador H. John Heinz III ng Estados Unidos; kabiyak ni Senador John Kerry
- Teresa Isaac, politikong Amerikana, dating alkalde ng Lexington, Kentucky
- Teresa Kok, Miyembro ng Parlamento ng Malaysia
- Theresa May, dating Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian at Pinuno ng Partidong Konserbatibo; Miyembro ng Parlamento ng Nagkakaisang Kaharian
- Teresa Mosqueda, politikong Amerikana
- Teresa Pearce, dating Miyembro ng Parlamento ng Nagkakaisang Kaharian
- Teresa Reyes Sahagún, politikong Mehikana
- Teresa Ribera (ipinanganak noong 1969), hukom, propesor sa unibersidad at politikong Kastila
- Teresa Riera (ipinanganak noong 1950), politikong Kastila
- Teresa Rodríguez, politikong Kastila
- Teresa Ruiz, Senador ng Estado sa Estados Unidos mula sa New Jersey
- Teresa Tomlinson, politikong Amerikana
- Theresa Villiers, Miyembro ng Parlamento ng Nagkakaisang Kaharian
- Teresa Wat, miyembro ng Asambleang Pambatas ng British Columbia sa Canada
Sa relihiyon:
- Talaan ng mga santong ipinangalan na Teresa
- Teresa Chikaba, prinsesa ng Ghana na dineklarang Kapita-pitagan ng Simbahang Katolika
- Teresa Demjanovich, madreng Amerikana ng Mga Kapatid ng Kawanggawa
Sa palakasan:
- Teresa Ciepły, esprinter na Polako
- Teresa Earnhardt, balo ng alamat sa karerang si Dale Earnhardt
- Teresa Edwards, basketbolistang Amerikana
- Tereza Kmochová, alpine skier na Czech
- Teresa Machado, atletang Portugus
- Teresa Piccini, bolyador ng ten-pin na Mehikana
- Teresa Rivera, manlalangoy na Mehikana
- Teresa Rohmann, manlalangoy ng medley na Aleman
- Teresa Vaill, racewalker na Amerikana
- Theresa Zabell, manlalayag na Kastila
Iba pa:
- Teresa Cormack, biktima ng pamamaslang mula sa New Zealand
- Theresa Lawson (1951–2014), Australyanang nahatulan na nagkasala sa panlulustay
- Teresa Magbanua, guro sa paaralan at manghihimagsik na Pilipina
- Teresa Sampsonia, maharlika, diplomat, at abenturera na Persyana
- Teresa Webber, paleograpo, mediyebalista, at gurong Briton
- Teresa Bagioli Sickles, kabiyak ni Daniel Edgar Sickles, na nilitis dahil sa pagpatay sa kaniyang mangingibig
Talababa
baguhin- ↑ "Teresa". Collins English Dictionary. HarperCollins.
- ↑ "Teresa". "Dictionary.com Unabridged". Random House.